^

PSN Opinyon

Hindi natin kaya ang China

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BALIW lang ang isang Pangulo ng bansa na magtatangkang makipagdigma sa China na itinuturing ngayon na “superpower” sa Asia. Panahon pa ni President Noynoy ay sinabi na niya na kahit sa “pitikan ng ilong” hindi natin mata­talo ang China.

Kaya sa kanyang press conference bago lumipad patungong Middle East, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makikipag-giyera ang Pilipinas sa China. Kasi, marami ang napaisip nang ipag-utos ng Pangulo kamakailan sa militar na okupahan na ang mga isla sa Spratly Group of Islands na inaangkin ng Pilipinas. Iniutos din ng Pangulo na paigtingin ang presensya ng military at magtirik ng watawat sa nasabing rehiyon.

Maaari kasing bigyan ng kontrobersyal na kahulugan ang atas na ito dahil sa pagiging aktibo ng China sa pag­lalagay ng mga military facilities sa pinagtatalunang lugar sa South China Sea.

Iniisip ko lang, bakit kailangan pang magbigay ng utos ang Pangulo samantalang may mga Pilipino nang naninirahan sa naturang mga Isla at sa katunayan, may alkalde pa sa naturang lugar? Katunayan, kasama ang mga mamamayang Pilipino roon kapag nagdaraos ng eleksyon ang bansa.

Anang Pangulo, maaring mag-relax ang China dahil hindi naman makikipag-giyera ang Pilipinas, sa halip nais lamang nitong panatilihin ang balanse sa geopolitical situa­tion sa West Philippine Sea.

Nauna rito, ipinag-utos ng Pangulo sa militar na magtayo ng istruktura sa mga islang sakop ng Pilipinas na nasa South China Sea na tinatawag ring West Philippine Sea.

Tiniyak rin ng Pangulo  sa China na hindi maglalagay ng anumang “offensive weapons” ang bansa sa mga islang pagtatayuan ng istruktura.

Muli ring nilinaw ng Pangulo na ang mga islang pinapa-okupa niya sa militar ay pag-aari ng Pilipinas kabilang na ang Benham Rise.

Lalagda rin aniya siya ng isang executive order kapag nagbalik siya sa bansa kung saan gagawin ng The Philippine Rise ang pangalan ng Benham Rise.

SUPERPOWER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with