^

PSN Opinyon

Congratulations graduates!

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

SA Luzon, Visayas at Mindanao, umaapaw ang mga convention center sa mga nagsisipagtapos na grade school, high school, college at university students. Pagdating sa paramihan ng graduate, wala nang lungsod na mas hihigit pa sa Maynila. Sentro ng edukasyon, hindi lamang sa bilang ng mga public at private grade schools at high schools, kung hindi rin sa number of private and public colleges and universities. Naturingang University belt pa nga ang ika-apat na distrito ng Maynila – kung saan nagkumpol ang mga premyadong pribado at establisado nang Pamantasan. UST, FEU, UE, NU, UM, MLQU, at iba pa – lahat na yata ng U at mga kolehiyo, San Beda, San Sebastian, St. Jude, National Teachers, etc. Nasa Maynila rin, bagamat wala sa U-Belt, ang mga higanteng publikong pamantasan: University of the Philippines at Polytechnic University of the Philippines.

Ang isa pang maipagmamalaki ng Maynila ay ang kato­tohanan sa lahat ng pamahalaang lokal sa bansa, tanging ang Maynila ang may dalawang local university: ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at ang Universidad de Manila (UDM). Libre ang tuition ng PLM para sa mga mag-aaral nitong residente ng Maynila habang ang UDM naman ay libre para sa lahat ng mag-aaral nito. Ang pagtatag ng mga lokal na Pamantasan at Universidad, at ang patuloy at walang tipid na suporta rito ni President Mayor Joseph E. Estrada, ay tugon ng lungsod sa trahedya na naturingan man itong University Belt ay hindi naman abot kaya ng mga residente ang matrikula ng mga ito. Mahigit kumulang na tig-sampung libo ang nabibiyayaan ng pagkakataong makatapos ng kolehiyo sa PLM at UDM. At hindi lang karaniwang edukasyon ang kanilang nakukuha. Ang mga kolehiyo at programa ng PLM (lalo na ang kanilang Medicine, Law, Nursing, Physical Therapy) at ng UDM (higit sa lahat ang kanilang Criminology, Nursing, Social Work, Physical Therapy, ECT) ay napapabilang sa mga top sa buong bansa.

Ngayong araw na ito, 2,179 na miyembro ng Class of 2017 ng UDM ang magtatapos sa kanilang seremonya sa PICC. Ang mga Commencement Speaker ay sina Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro, Jr. sa morning session at si Sec. Leonor “Liling” Briones sa hapon. Congratulations!

GRADE SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with