Kung may katuwiran, ipaglalaban ko! OT ng BI - Sec. Aguirre

Tuwang - tuwa sa galak ang mga Immigration employees partikular ang mga nakatalaga sa mga international airport tulad ng NAIA dahil pakiramdam nila ay hindi sila pinabayaan bagkus ay ipinaglaban pa ni DOJ Secretary Vit Aguirre tungkol ito sa isyu ng overtime pay nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtatalon sa tuwa ang mga taga - BI sa ginawa ni Secretary Vit sa kanilang OT matapos itong maibalik sa kanila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinalabit daw ni Secretary Vit si Boss Digong para imungkahi ang isang moratorium ang ginawang pag-veto nang huli para sa ilagay muna ang Express Lane fund ng BI sa National Treasury habang dehins pa naayos ang salary increase ng mga empleado todits.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit matindi ang mga ipinalabas nang mga kritiko ni Vit laban sa kanya tulad ng mga bribery/extortion scam at iba’t-iba pang batikus ang nilatag dito pero hindi pa rin nakalimutan ni Secretary na suportahan ang mga taga - Immigration regarding sa overtime allowance nila na mawala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ganito ang mga tirada noon ni dating DOJ Secretary Leila de Lima dahil nagawa nilang alisin ang pagbabayad ng mga airlines at shipping fees noong panahon nila sa puesto.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi sa memo nina Mar Roxas at Cesar Purisima kabilang na rin ang ginawang pagkampi raw ni Senator Frank Drilon hindi sana gaanong naapektuhan ang mga kawani sa BI kahit wala ang Express Lane Fund.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi nga, sa kikitain salapi mula sa mga airlines at shipping fees, ok na upang ma-subsidize ang pitsa sa Express Lane Fund.

Ayon sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ginawang pagbabawas ni ex-BI Commissioner Siegfred Mison sa mga ibinabayad na Administrative Fine ng bawat airline.

Ika nga, mula sa P50,000 administrative fine, naging P500 na lamang ang ibinibigay ng mga airline and shipping companies kapag may na-exclude silang pasahero ?

Bakit?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ang dahilan kung bakit bumaba ang malaking kinikita ng kawanihan sa mga ito.

Sabi nga, sayang ang pitsang dapat sana napunta sa government of the Phlippines my Philippines?

Nananalangin ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Secretary Vit na mabigyan ng linaw ang ipinadala nitong letter kay Boss Digong tungkol sa overtime pay nila na huwag ng tanggalin.

‘Mabuhay ka, Secretary Vit!’

Abangan.

 

Show comments