Titanic, kinakain ng bacteria

Ang lumubog na Titanic ay nanatiling buo sa ilalim ng dagat sa loob ng mahigit na 100 taon. Ngunit kamakailan lang, natuklasang ito ay unti-unti nang nasisira dahil sa isang klase ng bacteria na kumakain sa mga bakal nito. Sa pagtatantiya ng mga scientists, mga 12 taon na lamang ang itatagal ng barko hanggang sa maubos ito ng bacteria.

Ang gripo na tumutulo kada segundo ay nagtatapon ng 3,000 gallons kada taon. Katumbas iyon ng 180 showers.

Kung ang ihi ng lalaki ay nag-positive sa pregnancy test, malaki ang tsansa na may cancer siya.

Sa sobrang gaspang ng dila ng tigre, kaya nitong tanggalin ang pintura ng isang pader kapag pinadilaan ito.

Kapag namatay ang langgam, naglalabas ang katawan niya ng chemical na magkukunpirma na patay na ito. Dadalhin ang bangkay sa isang lugar na nagsisilbi nilang libingan.

Show comments