^

PSN Opinyon

‘Yasay kumisay sa Senado!’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Tanggal si Perfecto Yasay sa posisyon bilang foreign affairs Secretary dahil sa kanyang citizenship.

Una sa hanay ng mga iniupo ni Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete ang pagkatanggal ni Yasay.

Nung nakaraang taon pa ay may bulung-bulungan nang siya ay isang American Citizen at ayon sa ating Civil Service Commission walang may dual citizenship ang maaaring humawak ng posisyon sa gobyerno.

Nang kinukwestiyon na si Yasay sa tunay niyang citizenship sinabi niyang siya’y Pilipino.

Hindi raw siya naging kwalipikado na makakuha ng American citizenship dahil may plano na siyang umalis sa kanyang tinitirhan sa Amerika at balak na magbalik sa Pilipinas.

Kung anong mga sinagot niya sa mga panayam sa kanya lalo na pagdating sa Senado ay iba naman ang ipinahihiwatig ng mga dokumentong ipinakita doon sa pagdinig.

Ang kanyang pamilya lang daw ang American citizen at mariin niyang sinabing hindi siya nakakuha nito.

Nang gisahin siya sa Senado simpleng katanungang kung naging American Citizen ba siya sa tanang buhay niya kahit minsan ay hindi niya masagot gayung oo at hindi lang naman ang hinihingi sa kanya.

Sa mga nakalap na dokumento taong 1986 pa niya nakuha ang kanyang American citizenship at nag-renounce lang siya nung nakaraang taon bago siya umupo bilang foreign affairs chief.

Sa paggisa kay Yasay tinanong siya kung naisyuhan ba siya ng US at Philippine passport.

Sumagot siyang nakakuha nga siya ng US passport pero nawala niya ito. Ang tanong dito kung nawala niya talaga ito nagpakita ba siya ng affidavit of loss para masuportahan ang kanyang sinasabi?

Nagsilbi siyang immigration lawyer at matagal siyang nanirahan sa Amerika. Hindi raw siya nagsinungaling sa kanyang citizenship at inilaban niya pa na hindi raw ito valid sa ilalim ng US immigration laws.

Ang gusto lang na maging malinaw sa isyung ito ay kung talaga bang na-revoke na ang kanyang US citizenship at kung nakompleto niya ang renunciation para makakuha ng Philippine citizenship.

Matigas si Yasay at patuloy pa rin ang sagot niyang siya’y Pilipino at hindi siya nagsinungaling sa kahit na anong forum.

May plano na siyang iwanan ang kanyang tinitirhan sa US at nag-execute siya ng affidavit to abandon sa kanyang tinitirhan makalipas ang tatlong buwan kaya ang pagbibigay sa kanya ng citizenship ay null and void.

Hindi siya umubra kay Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato sa tanong na kung ni minsan ba sa kanyang  buhay ay naging US citizen siya.

Sinabi ni Yasay na void ito. Ang tanong sino ang nagdeklarang ang kanyang citizenship ay void?

Isa ring abogado si Sato at may lisensiya siya to practice law sa US. Binusisi niya ang dokumentong nakuha nila at binanggit na ang ipinasa ni Yasay na certificate of loss of US nationality ay may petsang Hunyo 28, 2016.

Naglutangan na ngayon ang ilang mga bagay. Si Yasay nga ba ay US citizen nang maging miyembro at chair ng Securities and Exchange?

Nung tumakbo siyang Senador at bise Presidente hindi siya Pilipino at ang hawak niya ay US citizenship.

Nang maglabas ng listahan ang US internal revenue ng mga indibidwal na nawalan ng US citizenship ay naroon ang pangalan ni Yasay.

Sa naging panayam pa ni Yasay sa isang programa sa radyo sinabi niyang ang mga tanong na ipinupukol sa kanya tungkol sa kanyang citizenship ay para lang sirain ang kasalukuyang admi­nistrasyon.

Kalaunan ay humingi rin siya ng tawad kay Sato dahil sa impres­yon niyang ito.

Nang dahil sa citizenship na ito ni Yasay ang mga desisyong kanyang pinirmahan at inilabas ay kukwestiyonin ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Binuksan lang ni Yasay ang kanyang sarili para sa mga kaso dahil wala pa siyang katunayan na naibibigay na siya nga ay isa nang Filipino Citizen.

Maaari niyang kaharapin ang mga kasong ‘violation of the Administrative Code’ at ang SEC Law pati na usurpation of public functions dahil kung hindi siya Filipino citizen hindi siya maaaring humawak na kahit na anong posisyon sa gobyerno.

Wala na bang natitirang kahihiyan ito na nag flipflop ang kanyang mga isinagot.

Yung mga dokumentong kanyang ipinasa at nakalap ang nag­labas na siya’y nagsisinungaling tungkol sa kanyang citizenship.

Bawat dokumento nakalagay kung anong petsa at taon yan inilabas kaya’t hindi mo ito mapepeke lalo na kung nakumpirmang orihinal nga itong kopya.

Labing limang miyembro ng Commission on Appointments ang bumoto na ma-reject sa pagkakatalaga si Yasay sa gabinete ni Presidente Duterte.

May paalala naman si Sen. Panfilo Lacson na ang oath ay isang solemn declaration kaakibat ang panunumpa sa Diyos na ang isang pahayag ay totoo at nakatali sa isang pangako.

Sa ngayon inilagay ni Presidente Duterte si Usec. Enrique Manalo bilang acting DFA Secretary.

Pansamantala siyang uupo hangga’t hindi pa naglalagay ng bagong tao sa posisyon ang Presidente.

Pinuri ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella si Usec. Manalo at sinabing magaling at nangunguna sa maraming bagay.

Ang napipintong umupo sa posisyong ito ay si Allan Peter Cayetano na running mate ni Presidente Duterte nung eleksyon.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

vuukle comment

PERFECTO YASAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with