^

PSN Opinyon

‘Kapayapaan...isang bandila...isang Nasyon’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

KAPAG WALANG kapayapaan walang bansang uunlad.

Sa isang bansa kapag nagkakawatak-watak lalo na ang mga namumuno nito hindi ito uunlad at magiging malakas na bansa.

Sa pagbubukas ng Bangsamoro Transition Council (BTC) sinabi ni Presidente Rodrigo Duterte na ang gusto niya ay pang matagalang kapayapaan sa kanyang termino pero sa ilalim ng isang bayan, isang bansa at isang bandila.

Nagsimula ang laban niya kontra iligal na droga at korap­syon dahil naniniwala siyang ito ang nakakasira sa kaligtasan ng bansa.

Marami mang hindi sang-ayon ay ipinagpatuloy niya pa din ito dahil sa kagustuhan niyang linisin at pag-aalisin ang mga masasamang loob.

Ang mga kababayan natin sa Mindanao ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng administrasyong Duterte para madinig ang kanilang mga hinaing at magkaroon ng kasunduan para sa ikabubuti ng magkabilang panig.

Nag-utos ang Presidente sa mga BTC Commissioners na lumikha ng batas para maalis ang problema at magsimula ng katahimikan sa bansa.

Walang mas nakakaintindi sa mga Mindanaoan kundi ang kapwa nila na nakakaalam ng kanilang pinagmulan, ipinag­lalaban at saloobin.

Mas pinili ng Presidente na ang mga miyembro ng Moro communities ang lumikha nito.

Ang miyembro ng BTC ay sina Haron Abas, Firdausi Ismail Abbas, Ibrahim Ali, Hussin Amin, Maisara Dandamun-Latiph, Samira Gutoc-Tomawis, Hatimil Hassan, Raissa Jajurie, Gafur Kanain, Mussolini Sinsuat Lidasan, Jose Lorena, Abdulraof Abdul Macacua, Hussein Muñoz, Romeo Saliga, Susana Salvador-Anayatin, Omar Yasser Sema, Said Shiek, Ammal Solaiman, Melanio Ulama at MILF peace panel chair Mohagher Iqbal

Kapag nagkaroon na ng isang agreement ay handa ang ating Presidente na maipasa  ang naturang batas.

Noon pa man ay sinasabi na ng ating Presidente na ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kaayusan ng bansa kahit pa kapalit nito ay ang pagkakatanggal niya sa posisyon.

Mapaikli man ang kanyang termino kung kapalit ay kapaya­paan ng bansa ay walang magiging problema sa Presidente.

Ang mga pinunong hindi hinahabol ang kapangyarihan ng posisyon ay magiging epektibong taga pamuno.

Marahil ay sa harapan ng sambayanang Pilipino ay hihili­ngin niyang bumoto ang bawat isa dahil ito ang magiging daan para maging isa tayong maayos na bansa.

Matunog din ang mga balita na papasok o naririto ang ilang miyembro ng terorista sa ating bansa galing sa Arab countries kaya mas pinaiigting ang ating depensa laban sa kanila.

Mariing sinabi ng Presidente na huwag silang hahayaang makapasok sa bansa. Kapag nagtagumpay ang mga ito ay magkakaroon ng karahasan na hindi kakayaning kontrolin ng ating Presidente.

Maganda ang ginagawa ng Presidente na humahanap siya ng paraan para magkaisa ang bawat bayan ng bansa.

Isinusulong niya na mapuksa ang karahasan at hindi pagkakaintindihan sa mga tao partikular na ang Mindanaoan.

Maraming taga suporta ang Presidente at lahat ng kanyang mga hakbang ay pinupuri ngunit meron pa ring pumupuna.

Hindi problema sa Presidente kung maalis siya sa pamumuno sa bansa. Kabi-kabila na din ang isyu na may mga kumikilos para siya ay mapatalsik sa pwesto.

Ilan na sa mga ito ay ang bise Presidente at ang partido nitong Liberal Party.

Ilang beses na itong pinabulaanan ng LP at ngayon mismong si dating Presidente Noynoy Aquino na ang nagsabi na walang katotohanan ang kumakalat na balitang ito.

Hindi daw makatwiran ang sinasabing sila ang namumuno ng pagpapatalsik kay Presidente Duterte dahil nag-alok mismo siya na tulungan ang administrasyong Duterte.

Kung patuloy na magsasabong at hindi magkakasundo ang nakaraang administrasyon at ang bagong administrasyon ay wala itong magandang maidudulot sa bansa.

Mas mabuting magtulungan na lang dahil alam din naman ng nakaraang administrasyon ang problemang kinakaharap ng bansa at ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabihan daw ni dating Presidente Aquino ang mga tauhan ng kasalukuyang Presidente na hindi nila gustong makipag-away kundi gusto nilang matupad ang mga bagay na pinahirapan nila.

Nung panahon ng kanyang panunungkulan ay sinubukan niya ang lahat ng bagay para magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating bansa kaya walang dahilan pa makipagpaligsahan pa sila.

Kahit tinatanong na ang dating Presidente sa kanyang opinyon sa ilang isyung kinakaharap ng kasalukuyang administrasyon pinanatili niyang tikom ang kanyang bibig.

Bibigyan niya ng isang taon ang administrasyong ito para magamay ang trabaho.

Hindi mo lubusang maiintindihan kung ano ang tumtakbo at pakiramdam ng isang tao kung hindi mo naman alam ang punu’t dulo ng kanilang pinaglalaban o pinagdadaanan.

Tama ang Presidente na ang gumawa ng batas ay ang nasa Moro countries nang sa ganun ay matimbang nilang mabuti.

Kung hindi naman labis ang kanilang hihingiin at magiging maayos ang magkabilang panig ay magandang masuportahan ito.

Mismong ang Presidente ang magsusulong nito at kapag naaprubahan sa Kongreso ay agad niya itong ipapatupad.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451.

Sa gusto akong makausap ng diretso maaari kayong tumawag sa numerong 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

BTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with