MATAGAL NANG ALINGASNGAS pero walang napapatunayan tungkol sa death squad sa Davao. Ngayon itinuro ni SPO3 Arturo Lasca?as si Presidente Rodrigo Duterte bilang ng utos ng mga pagpatay.
Nilinis ang pangalan niya nung una siyang humarap pero ngayon idiniin ni Lasca?as na kabilang siya sa mga pumapatay sa Davao.
Si Presidente Duterte ang umano’y nag-utos ng mga pagpatay sa mga kriminal nung panahong alkalde pa ito.
Siya daw ay team lider ng liquidation squad at binayaran umano sila para pumatay.
Taliwas ito sa unang naging pahayag ni Lasca?as na hindi niya alam ang tungkol sa Davao Death Squad (DDS) nung nagkaroon ng pagdinig tungkol sa extra judicial killings.
Pinabulaanan niya nung mga panahong yun ang salaysay ng testigong si Edgar Matobato.
Nakokonsensya umano siya at kung sakaling mamatay ay tatanggapin niya na dahil nagawa na niya ang pangako sa Diyos na magkaroon ng public confession.
Sa kahit na anong kaso ‘the court frowns on recantation’ at affidavit of desistance dahil ipinagpapalagay ng korte na nagkaroon ng ‘money change hands’.
Kung sinabi niya sa una niyang pahayag na wala siyang kinalaman ngayon naman ay ipinahahayag niyang si Presidente Duterte ang nag-utos sa kanila para pumatay ng mga kriminal, kaaway, kidnapping suspect at ilan pang sangkot sa iligal na droga nung panahong alkalde pa ito ng Davao.
Inamin niya pa na pinatay niya ang dalawa niyang kapatid dahil sa paggamit ng iligal na droga.
Sa mga nakaraang pagdinig sa Senado itinuro siya ni Matobato bilang sangkot sa mga pagpatay.
Ilan sa mga binanggit niya ngayon na ginawa ng kanyang grupo na umano’y may basbas ng Presidente ay ang pagbomba sa mosque nung taong 1993 matapos silang masisi sa pagbomba sa isang simbahan.
Idagdag mo pa ang pagkakapatay kay Jun Pala.
Pinatay din nila ang kaanak ng isang kidnapping suspect at may akusado pa silang pinatay na nahuling buhay pero pinalabas na nakatakas pero ang totoo ay pinatay nila at itinapon na lang ang katawan sa kalapit na probinsya.
Ang tanong natin sa testimonyang ito ni Lasca?as alin sa dalawang testimonya niya ang dapat paniwalaan.
Paano siya pagkakatiwalaan gayung magkaibang-magkaiba kanyang sinasabi.
Anong klaseng tao ang papatayin mo ang sarili mong kapatid?
Sa simula nilaglag mo si Matobato ngayon ay pinatotohanan mo naman ang kanyang testimonya. Alin ba ang totoo?
Sa hindi natin alam na dahilan bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin.
Ang mga isiniwalat daw na ito ni Lasca?as ay maaaring maging dahilan para ma-impeach si Presidente Duterte.
Ang kanyang papel sa mga nangyayaring patayan ay hindi sakop ng kanyang Presidential immunity.
Sa bagong impormasyong sinabi ni Lasca?as ilan sa mga Senador ang pabor na magkaroon ng pagdinig dito at hindi daw ito pag-aaksaya ng oras.
Kailangang magkaroon ng masusing imbestigasyon dito. Hindi dahil sinabi niya ay may katotohanan na.
Dapat mahanap ang puno’t dulo nito. Kung nung simula ay sinabi niyang walang katotohanan ang lahat at kung totoo na nagsinungaling siya nung mga panahong yun ano ang kanyang dahilan?
Ngayon nakokonsensya siya sabi niya lalo na sa pagkakapatay sa kanyang mga kapatid.
Kinakailangang maimbestigahang mabuti itong lahat. Kung may katotohanan ito hindi mo dapat ipagwalang bahala.
Hindi naman umayon si Sen. Richard Gordon sa mungkahi ng kanyang kapwa Senador.
Maliban sa isyu ng paglalahad na ito ni Lasca?as ay sinabi naman ni Communications Secretary Martin Andanar na ang mga Senate reporters ay inalok ng $1,000 para i-cover ang press conference sa pangunguna ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Hindi naman daw niya sinasabing korap o tinanggap ng Senate reporters ang perang ito.
May grupo ng mga journalist na nagsabing itikom na lang niya ang kanyang bibig o magbitiw siya sa posisyon kung ipagpapatuloy niya ang pagbibigay ng pahayag na wala namang mga basehan.
Nagmatigas pa si Andanar at wala daw siyang dapat ihingi ng tawad.
Maging maingat din dapat sa mga sinasabi at kung mang-aakusa man ay dapat may sapat na basehan at ebidensya dahil may posisyon ka at ikaw ay konektado rin sa media.
Bakit naman kakailanganin pang suhulan o alukin ng pera ang mga reporter para lang sa presscon ni Lasca?as.
Palagi namang may nakatoka sa iba’t-ibang istasyon para kumuha ng balita sa mga pagdinig at nagaganap sa Senado.
Nung panahon na ipinatawag sa Senado si Lasca?as para sa pagdinig sa extra judicial killings pinanumpa siya na magsasabi ng katotohanan at kapag hindi ay masasampahan siya ng kasong ‘Perjury’.
Malamang ay hindi niya na iisipin ito dahil mas malalaking kaso na kinasangkutan niya ang pinagbabanggit niya nang magsalita siya nung Lunes.
Marami din ang umaasa na kung may katotohanan ang paratang na ito ni Lasca?as sana ang mga kasamahan niya sa sinasabing Davao death squad ay maglutangan at magsalita tungkol dito.
Hindi tayo maaaring dumepende lang sa testimonya ng isang tao na nagsinungaling na simula pa lamang.
Paano magiging kapani-paniwala ang isang testigo kung may bahid na ito.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
Hotlines: 09198972854
Tel. Nos.: 7103618