^

PSN Opinyon

Mura, de kalidad na gamot dagdagan pa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMI pa rin tayong mga mahihirap na kababayan, lalu na yung mga senior citizens ang umaangal dahil sa mataas na halaga ng medisina. Ang dahilan, hindi maayos na naipatutupad ang Republic act 9502 o universal and quality medicines act matapos ang siyam na taon sapul nang maisabatas ito noong 2008.

Ito’y bagay na ikinalulungkot ni Iloilo 4th district Rep. Ferjenel G. Biron na siyang umakda sa natu-rang batas. Bagamat may mga gamot nang  ipinailalim sa batas na ito, marami pa rin ang hindi nasasakop.
Kaya isinusulong ng tagapangulo ng house committee on trade and industry ang house bill no. 3252 na lilikha ng price regulatory board  na bubuuin ng 7 miyembro na pamumunuan ng  kalihim o kinatawan mula sa DOH. Layunin din nito na susugan ang RA 9502. Ani Rep. Biron, ito ang pinakaepektibong paraan para pabilisin ang pagdagdag na mas maraming medisina sa mandatory drug retail price.
Aniya, nabigo ang Department of Health sa maayos na pagpapatupad ng batas. Hindi umano nagawa ng DoH na saklawin ng batas ang ibang pharmaceutical formulations sa mandatory regulation. Pinulong ni Biron ang congressional oversight committee sa cheaper medicine law sa Senado kasama ang kanyang senate counterpart na si senador Juan Miguel  “Migs” Zubiri. Batay sa pahayag ng kinatawan ng DOH at iba pang inanyayahang grupo na, hindi nadagdagan ang 5 pharmaceutical formulations  na isinailalim sa mandatory price regulations.
Kasi, bigo ang DOH bumuo ng advisory council  na ina­atasan ng batas na gumawa ng mga rekomendasyon sa pangulo para madagdagan ang talaan ng mga medisina na sasaklawin ng Mandatory Drug Retail Price.
Aminado si DOH assistant secretary Agnette Peralta na ang kagawaran ay higit na nagbigay ng pansin sa pagkakaroon ng gamot para sa mamamayan, lalo na sa mahihirap naging daan para hindi madagdagan ang listahan.
Magugunita na sa pagtalakay ng RA 9502, iginiit ni Rep. Biron ang paglikha ng hiwalay na regulatory body nguni’t hindi ito naisama sa pinal na bersyon ng batas. Naku ha. Ano ang silbi ng batas kung walang ngipin? Kawawa naman ang mga mahihirap na napagkakaitan ng kalingang medical.

 

DAGDAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with