^

PSN Opinyon

‘Dilat ang mata na mamatay’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

BASAG NA BINTANA ng mga gusali, bitak-bitak na daanan, gumuhong mga tahanan at nasirang mga tulay. Ganito iniwan ng magnitude 6.7 na lindol ang Surigao City.

Walang kuryente, walang tubig at pagkain. Pito ang namatay sa lindol at marami ang nasaktan.

Pagkatapos ng malakas na lindol ay pinangangambahan ng mga residente ang posibilidad na magkaroon naman ng tsunami.

Marami ang natakot dito dahil nasira na nga ang mga bahay nila sa lindol ay may susunod pang unos silang pagdadaanan.

Mabuti na lamang at bandang huli walang tsunami na nangyari. Sunud-sunod naman ang aftershocks na naranasan ng mga residente ng Surigao.

Sa bawat pagyanig takot na ang mga tao doon dahil ang ilan sa kanilang mga kababayan ay natabunan ng kanilang mga bahay o nabagsakan ng mga debris.

May naitala ding aftershocks sa Dinagat Island, Burgos, Libjo sa Surigao del Norte at iba pang lugar sa Southern Leyte.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang pinagmulan ng lindol ay tectonic na may lalim na labing isang kilometro.

Sa ulat naman ng mga opisyal sa Surigao kay Presidente Rod­rigo Duterte aabot sa Php67.8 milyong piso ang naging pinsala ng lindol.

Hindi pa kasama dito ang mga kalsada at paliparan na nagkabitak-bitak ang runway kaya pansamantalang pinagbabawal ang paggamit nito.

Marami ring silid-aralan ang nasira at sabi ng Department of Education (DepEd) may Php7.6 milyong piso ang halaga nito.

May kagagawa pa lang na classroom at halos tatlong taon pa lamang ito ngunit hindi na magamit dahil sa lindol.

Ang mga pader ay may bitak kaya’t hindi ligtas para sa mga mag-aaral.

Bumagsak naman ang kisame ng Caraga Regional Hospital mabuti na lang at walang pasyente ang nasaktan.

Nagdeklara ng ‘State of Calamity’ para na rin mapigilan ang pagtaas ng bilihin sa lugar. Mabuti na yung walang mga negosyante ang mananamantala sa mga biktima ng lindol.

Maraming grupo ang gustong tumulong ngunit hirap na makara­ting kaagad dahil sa laki ng pinsalang iniwan ng lindol.

Hindi matawiran ang mga tulay dahil baka tuluyan itong gumuho at ang iba naman ay talagang sira na.

Nangako ang pamahalaan na magbibigay ng ayuda sa pamilya at maglalaan ng pondo para sa kanila lalo na yung mga na-trauma.

Kung tutuusin sa ganun kalakas na lindol sigurado akong lahat ng residente nakakaranas ng trauma.

May bata pa dyan na hindi maigalaw ang kalahating katawan dahil nabagsakan nung lumilindol. May natabunan ng bahay na nung ma-rescue ay wala nang buhay.

Maagap ang Presidente at nagtungo sa Surigao para makausap ang ating mga kababayan ngunit maging ang kanyang biyahe ay na-delay sa hirap makarating doon dahil sa sira-sirang kalsada.

Nandyan na rin ang military para tumulong sa pagre-rescue ng ating mga kababayan.

Bagama’t may nagbibigay na ng tulong may ilan pa din na hindi nito naaabot lalo na run sa mga mahirap puntahan. Kalimitan sa siyudad lang nakakarating ang tulong.

Humingi na ng tulong ang pamahalaan ng mga karagdagang vo­lunteers para maabutan nila ng ayuda ang lahat ng biktima ng lindol.

Sa pahayag ni Mina Marasigan ang spokesperson ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na may mga balita nga silang natatanggap na may mga kababayan pa tayong hindi nakakatanggap ng tulong.

Nahuhuli raw sila ng pagbibigay dahil tanging ang mga madadaling matulungan lamang tulad ng nasa evacuation center ang naabutan nila.

May mga residente na mas pinili na magtayo ng barung-barong sa labas ng kanilang tahanan para bantayan ito.

Sa gitna ng unos na pinagdaanan naniniwala sila na mas ligtas kung malapit lamang sila sa kanilang tahanan.

Kapag ligtas na ay saka sila titira sa kani-kanilang mga bahay.

Pitumpu’t apat na pamilya lamang ang nasa evacuation center at ang karamihan ay nasa labas na.

Paano naman ang mga taong mas piniling bantayan ang kanilang mga bahay? Kinakailangan din nila ng tulong gaya ng mga natatanggap ng mga pamilyang nasa loob ng evacuation center.

Kung kinakailangan nilang isa-isahin ang mga pamilyang nagbabantay sa kanilang tahanan mas magandang puntahan nila ito dahil maging ang mga taong ito ay nag-aabang din ng tulong.

Yung mga wala sa siyudad at nasa mga lugar na mahirap puntahan sila ang mas nangangailangan ng tulong dahil malayo sila sa sentro para makabili o makahingi ng kakailanganing ayuda.

Mabuti na lamang at humahanap din ng paraan ang mga opisyal para maabot ang iba pang biktima ng lindol.

Sinisikap naman nilang maibalik kaagad ang tubig. Sa ngayon ay 90% na ngunit nilinaw na ang porsiyentong ito ay nangangahulugan na ayos na ang mga pipe pero ang supply ng tubig ay mababa pa din.

Unti-unti nang inaayos ang lahat lalong-lalo na ang kuryente at tubig sa lugar.

Muli kaming nakikiramay sa lahat ng naging biktima at namatayan sa Surigao.

Alam naming taon pa ang bibilangin bago muling maibalik sa dati o maisaayos ang lahat ng nasira ng lindol.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong mag-text sa 09198972854, 09051090451.

Sa mga gusto akong makausap ng diretso maaari kayong tumawag sa numerong 710-3618.

Maaari rin po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycal­vento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Cal­vento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with