^

PSN Opinyon

Cheap medicine medyo mahal pa rin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAYROON na nga tayong batas tungkol sa murang gamot, pero ito ay sumasaklaw lamang sa mga generic medicine. Kaya kawawa pa rin ang mga mahihirap na nangangailangan ng mga gamot na napakataas ng ha­laga at walang katumbas na generic medicine. Gagawin kong ehemplo ang sarili ko. Bilang isang senior citizen, malaki na ang naturingan kong diskuwento sa aking maintenance medicine. Pero umaabot sa walong libong piso o higit pa kada buwan ang gastos ko sa gamot. Naiisip ko, paano na yung talagang mahirap?

Kaya may magandang development na sana ay matupad. Isusulong ng house committee on trade and industry na sa pamumuno ni Iloilo Rep. Ferjenel G. Biron ang pag-rebisa para palakasin ang republic act 9502 o Universal Cheaper and Quality Medicines act ng 2008. Bilang bahagi ng oversight function ng kongreso, layon ng komite na alamin kung naging epektibo ang pagpapatupad ng batas lalo na ang mga layunin nito na maipaabot ang mas murang gamot sa maraming mamamayan, kabilang ang kapuspalad. Bumubuo rin ng house bill no. 3252 na naglalayong susugan ang RA 9502 sa pamamagitan ng paglikha ng hiwalay na drug price regulatory board na bubuuin ng pitong miyembro na ang kalihim ng department of health kinatawan nito ang chairperson, at ang kalihim ng department of trade and industry o kanyang kinatawan bilang vice chairperson.

Naniniwala ang mambabatas na ang board ay epek­­tibong magmomonitor, magrebisa at magsusulong ng mas maraming gamot para sa karaniwang­ sakit at mga kondisyong may banta sa buhay na maisama sa talaan ng price regulation.

Magugunita na sa ilalim ng batas, ang pangulo ay may kapangyarihan na i-regulate ang presyo ng mga gamot at medisina batay sa rikumendasyon ng kalihim ng DOH  ngunit ikinalungkot ni Rep. Biron na hindi nagagamit ang kapangyarihan ito.

“There many issues and concerns that surround the implementation of the law but I am particularly concerned about making a functional drug price regulatory board to really see to it that more drugs and medicines will be accessible to the public because this is what the law is concerned about”, anang Solon.

CHEAP MEDICINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with