PINAGBIGAY alam at iniimbitahan ni incoming Laong Laan Worshipful Master Mark Alvren ‘Macky’ R. Santos ang lahat ng mga brethren ng Grand Lodge of the Philippines my Philippines Masonic Lodges ang kanilang ika - 51 Annual Public Installation sa February 4, 2017 (Sabado) sa Officer’s Club ng Camp Aguinaldo, Kyusi.
Sinabi ni WB Macky. inaanyayahan niya ang mga brethren na dumalo nang dakong alas - 4 ng hapon sa nasabing venue, dapat din abangan at huwag munang aalis ang mga buwisitors este mali visitors pala dahil may ‘unique’ fellowship na magaganap pagkatapos ng installation, mga pagkain at inumin na pinahanda at pinaasikaso niya kay Ateng Chivum Echiverri Santos, kapitbahay este mali may-bahay pala ni WB Macky para pagsalusaluhan ng lahat ng mga bisita sa nasabing okasyon.
Sabi nga, limang malalaking lechon baboy, dalawang family size na lechon baka, 10 malalaking fresh tuna fish direct from General Santos City at sa Canada, Buddha soup, sangkaterbang double Johnny Black, isang bote kada lamesa ng Johnny ‘Blue’, bari-bariles na SMB, soft drinks and ice creams.
Ang mga nanalo at appointed offficials ng Laong Laan Lodge No. 185, ay sina WM Macky, Senior Warden Bro. Walfredo A. Sumilang 11, Junior Warden Bro. Ronan Rex D. Ramos, Treasurer Bro. Reuel Laverne B. Labrado, Secretary Bro. Peter Steve G. Lim, Auditor past WM Rey M. Raagas, Chaplain Bro. Luisito V. Cruz, Marshall Junfel A. Zamora, Senior Deacon Bro. Kurt Frederick Fitz C. Muller, Junior Deacon Bro. Ernesto A. Ligon, Orator Bro. Butch Quejada, Historian Bro. Ramon Gutierrez, Almoner Bro. Jun Capotolan, Senior Steward Bro. Gualberto E. Angeles, Junior Steward Bro. Rodil Casal, Organist Bro. Eric Bullena at Tyler WB Blas Antonio M. Tuliao.
Ayon kay incoming WM Bro. Macky, ang kanyang panauhin pandangal at speaker ay si CAMANAVA PNP district director General VW Roberto ‘Bong’ Fajardo, Installing officer VW Bro. Soony Regala, Assistant Installing Officer VW Ronald Fabian at Master of Ceremony VW Bro. Beda Epres.
Sa mga dadalo ng okasyon ‘huwag kalimutan !’
Mga bagong opisyal at miembro ng Laong Laan Lodge No. 185 - Mabuhay kayong lahat!
Abangan.
• • • • • •
Pamilya ang dapat masunod
PINALAGAN ng pamilya nang namatayan ang isang PNP official na nakadestino sa PNP SOCO sa Region 4 - A, dahil ayaw nilang pumayag na ang dalawang patay nila ay sa ibang bayan dadalhin nang funeraria kasama nitong dumating sa scene of the crime.
Bakit?
Sagot - May accredited funeral parlor din kasi sa lugar nila at aksayado sa panahon at pamasahe kung sa ibang bayan pa ito dadalhin ng funeraria na bitbit ni Major Odi ng PNP - SOCO?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ayaw pumayag ng pamilya ng namatayan sa Maragondon Cavite ang gusto diumanong mangyari ni Odi na bitbitin nang kasama niyang puneraria ang dalawang pinatay na matanda sa nasabing bayan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inihahanda ng pamilyang namatayan ng dalawang matanda ang reklamo laban kay Odi sa Office of the Military Affairs ng Ombudsman tungkol sa pangyayaring ito.
‘Hindi muna natin binanggit ang pangalan ng mga nagrereklamo hangga’t hindi pa sila nagbibigay ng salaysay sa Ombudsman.’ sabi ng kuwagong mangungumisyon.
Abangan.
• • • • • •
Sindikato hirap makalusot sa BI - NAIA
MULA nang maupo ang mga bagong itinalagang mga opisyal sa Bureau of Immigration sa mga terminals ng NAIA, hirap na ang mga sindikatong magpalusot ng kanilang pagkakaperahan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matindi kasi ang monitoring at profiling sa mga pinagdududahan sa mga international passenger lalo’t kung ang mga ito ay mga madlang Pinoy dahil alam nilang mabibiktima lamang ang mga ito sa port of origin ng mga sindikato ng ‘human trafficking o illegal recruiters.’
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang isa, dalawa o tatlo departing passengers ang napipigil ng mga tauhan ni Marc Red Marinas, hepe ng BI Port Operation sa pag-alis ng NAIA everyday at mabilis naman isinasalin para sa masusing imbestigasyon sa IACAT.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming gimik ang mga pinaggagawa ng mga sindikato sa kanilang mga nabubulang madlang Pinoy passengers na gustong makaalis ng Philippines my Philippines para magtrabaho aboard este mali abroad pala.
‘Lahat ng istilo ay iniisip ng mga sindikato pati ang pamemeke ng mga dokumento na binibili sa Claro M. Recto sa Manila ay pinapatulan ng mga gustong umalis at nagbabayad ng malaki ang hindi nila alam ay hindi sila makakalusot sa NAIA kapag ganitong mga istilo ang ginamit nila.’ ibinida ni Red sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Friday dalawang Pinay na nagpanggap na mga turista papuntang Japan ang hinarang ng mga tauhan ni Red sa NAIA Terminal 3, dahil nabuko nila na peke ang mga ID’s, travel authority at leave applications from DPWH ang lahat ng mga ginamit na government documents ay inamin na peke from Recto dahil mamamasukan silang helper sa Japan kasi malaki ang sahod na ipinangako sa kanila.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa IACAT ang bagsak ng mga hindi pinaalis ng BI-NAIA.
Ika nga, for further investigation.
Abangan