^

PSN Opinyon

‘Di na dapat hati-hati’

SHOWBIZ UPDATE - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING proyekto ng nakaraang administrasyon, nababoy at natengga dahil sa katarantaduhan ng ilan.  

May problema sa integridad ng mga dating umupo sa bids and awards committee ng pamahalaan. 

Kinukuwestiyon ng mga kontratista ang mga iregularidad partikular sa isyung mayroon silang mga pinapaboran. Ang takbuhan ng mga talunan,  korte. Habang ang mga big ticket project, nakatengga. 

Budget indigestion ang nangyari. Ambibilis nilang humingi ng pondo pero pagdating sa implementasyon, kilos-suso. Kung sa Tagalog, naimpatso sa sobrang katakawan. 

Resulta, kalbaryo sa publiko. Hindi napapakinabangan ang mga proyektong  milyones ang inilaan na pondo­. 

Sang-ayon ako sa sinasabi ng ilang eksperto, isa na lang ang dapat kausapin at maging katransaksyon ng gobyerno sa mga big ticket project. Hindi na dapat mang­yari ang ipinairal noon ng mga dilaw.

Para lang mabigyan ng pabor at mapagbiyan ang kanilang mga katsokarang kontratista, hinati-hati ang malalaking proyekto. Klasikong halimbawa ang MRT3. 

Kaya noong nagkawindang-windang na ang operas­yon, hindi nila malaman kung sino ang dapat pana­gutin. 

Lahat ng mga nakikita at nararanasan natin ngayon, resulta ng mga kapalpakan at kapabayaan ng naka­raang administrasyon.

Hindi dapat payagang mangyari ng kasalukuyang admi­nistrasyon ang sistemang ipinairal ng gobyerno noon. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang palabas, mag-subscribe sa BITAG Official YouTube account. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napa­panood at napapakinggan tu­wing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang palabas, mag-subscribe sa BI­TAG Official YouTube account.  

BITAG OFFICIAL YOUTUBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with