^

PSN Opinyon

Sa sariling bakuran

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA salaysay ni SP04 Roy Villegas, pinatay ang Korean businessman na si Jee Ick-joo, sa loob ng Camp Crame noong Okt.18, 2016. Si SPO3 Ricky Sta. Isabel ang nagdala ng packaging tape, pinabalutan ang mukha ni Jee, at sinakal ito hanggang mamatay. Ayon kay Villegas, akala niya ay lehitimong operasyon ang ginagawa nila kay Jee, na sangkot umano sa iligal na droga. Pero nang malaman niya na hindi pala, hindi na lang daw siya umimik at sumunod na lang kay Sta. Isabel. May ka­usap din na “Sir Dumlao” si Sta. Isabel bago pinatay ang Koreano.

Ito naman ang tanong ko. Kailan natanto ni Villegas na hindi na pala lehitimong operasyon ang paghuli kay Jee? Noong dinukot si Jee? Noong dinala sa Crame? Noong may kausap na “Sir Dumlao” si Sta. Isabel? Noong nagdala na ng packaging tape si Sta. Isabel para balutin ang ulo ni Jee? O noong sinasakal na si Jee? Normal ba sa mga operasyon ng mga pulis ang magdala ng packaging tape? Para na rin niyang sinabi na mga pulis nga ang nasa likod ng mga extrajudicial killings, hindi ba? At hindi ba mas mataas ang kanyang ranggo kaysa kay Sta. Isabel? Bakit tila siya pa ang natakot at hindi na lang umimik? Lahat ba ng pulis sa PNP ay ganito­? Kapag nalagay sa sitwasyon kung saan marumi o kriminal pala ang kasamang pulis, o may impormas­yon sa mga kriminal na pulis ay hindi na lang iimik? Ganito ba ang kalakaran sa PNP? “Sama-sama tayong lahat dito?”

Gusto raw malusaw sa hiya si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa. Dapat lang. Nangyari ito sa ilalim ng kanyang pamumuno, sa sariling bakuran, sa kasagsagan ng kanyang hambog na pahayag na matagumpay ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga at krimen, na papatayin daw niya ang mga maruruming pulis. Malinaw na walang takot at respeto kay Dela Rosa ang mga pulis na pumatay kay Jee, kahit anong banta pa sa kanila. Si Villegas, mas takot pa sa grupo ni Sta. Isabel kaysa sa pamumuno ni Dela Rosa. Ilan pa kaya sa PNP ang ganito? Dahil dito, lahat na lang, partikular mga dayuhan, ay matatakot kapag may mga pulis sa kanilang pintuan. Sino pa ang “maninilbihan at magbibigay proteksyon”, kung ganito naman ang tingin sa mga pulis ngayon?

SPO3 RICKY STA. ISABEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with