^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi na itatago ang mga pulubi

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi na itatago ang mga pulubi

NAGDADATINGAN na ang mga kandidata para sa Miss Universe pageant na idaraos sa bansa sa Enero 30. Ito ang ikatlong pagkakataon na idaraos sa bansa ang Miss Universe. Una ay noong Hulyo 1974 na ginanap sa Folks Arts Theatre at ikalawa noong Mayo 20, 1994 na ginanap sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center (PICC).

Sa dalawang idinaos na beauty pageant, mara­ming itinago sa mga mata ng kandidata ang pamahalaan. Noong 1974, pinalagyan ng tabing ni dating­ First Lady Imelda Marcos ang mga dadaanang kal­sada ng kandidata para hindi makita ang mga iskuwater. Pininturahan ng puti ang mga pader sa paligid ng airport. Lahat nang butas ay tinakpan para hindi makita ang mga tagpi-tagping bubong ng mga barung-barong.

Ganito rin ang ginawa noong 1994, nilagyan din ng tabing ang mga bahaging nakikita ang kahirapan ng mga Pilipino. Walang makikitang pangit habang naglalakbay ang mga kandidata.

Nang dumating naman sa bansa si Pope Francis noong Enero 2015, ganito rin ang ginawa. Tinakpan din ang mga bahaging makikita ang kahirapan ng mga Pinoy. Hinakot din ang mga pulubi, batang kalye at mga taong grasa at dinala sa isang resort sa Batangas. Isang linggo sa resort ang mga pulubi at pinakakain doon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Pero makaraang maka­alis ang Pope, muling dinala sa Metro Manila ang mga pulubi. Balik sila sa Roxas Blvd., Taft Avenue, Rizal Avenue at iba pang lugar para mamalimos.

Nang idaos ang APEC sa Maynila noong 2015, ganito muli ang ginawa. Nilinis sa pulubi ang mga kalsada sa Maynila at nang matapos ang event, nagbalikan muli ang mga kapuspalad.

Ngayong idaraos muli sa bansa ang Miss Universe ay hindi umano itatago ang kahirapan ng bansa­. Ayon sa Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) walang beautification project na gagawin para itago ang kahirapan. Ito umano ang realidad at walang dapat itago. Hayaang makita ng mga kandidata ang tunay na kalagayan ng buhay ng mga Pinoy. Ito raw ang nais ni Pres. Rodrigo Duterte.

Tama naman ito. Bakit kailangang itago ang kato­tohanan? Itakwil na ang kaplastikan na matagal nang namamayani sa bansang ito. Ang tiyakin ay ang kaligtasan ng mga kandidata habang nasa bansa.

MISS UNIVERSE PAGEANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with