^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Apurahin, pagbabalik ng death penalty

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Apurahin, pagbabalik ng death penalty

SA susunod na linggo ay inaasahang pagdedebatehan na ng mga mambabatas ang pagbabalik ng parusang kamatayan. Inabolished ang death penalty noong 2006 sa panahon ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo. Una itong inabolished noong 1987 pero muling ibinalik noong 1993 kung saan pitong convicted criminals ang ni-lethal injection. Si Leo Echegaray na gumahasa sa kanyang sariling anak ang unang na-lethal injection noong  Pebrero 5, 1999.

Ngayo’y inaasahang mananaig na maibalik ang parusang kamatayan lalo pa’t suportado ito ni Pres. Rodrigo Duterte. Nangangampanya pa lamang, maigting na ang pagkiling ni Duterte maibalik ang death penalty dahil sa tumataas na bilang ng krimen at pagtutulak ng illegal na droga.

Sa kasalukuyan, wala nang kinatatakutan ang mga rapist. Pagkaraan nilang gahasain ang biktima, pinapatay pa nila. Demonyo na ang nakakubabaw sa kanila kaya wala nang nadaramang katiting na awa sa biktima.

Noong nakaraang Biyernes, isang sako ang natagpuan sa isang liblib na lugar sa Trece Martires, Cavite. Nang buksan, nakita ang putol-putol na bahagi ng katawan ng isang babae. Nakilala ang biktima na si Mitzi Joy Balunsay, 17, estudyante ng Cavite State University. Nadakip ang suspect na si Alvin delos Angeles, 22, ex-boyfriend umano ng biktima. Inamin ng suspect ang krimen.

Kamakailan, ginahasa at pinatay ang 17-anyos na estudyante at tinapon ang bangkay sa gilid ng ilog sa Bgy. Guyam Malaki, Indang Cavite. Nakilala ang biktima na si Melissa Magracia  ng Bgy. Paradahan 1, Belvedere, Tanza. Naaresto naman kaagad ang suspek na nakilalang si Elrick Mojica, 31. Ayon sa pulisya, nakipagkita ang biktima sa suspek sapagkat gagawin daw modelo.

Apurahin ang pagbabalik ng death penalty. Pagdebatehan na at ipasa. Kapag naipasa, unang isalang sa lethal injection ang mga rapist at drug traffickers. Kailangang may masampolan ng ka­matayan. Tanging ang parusang kamatayan ang makakahadlang sa panggagahasa at pagpatay. Kung ano ang inutang, ito rin ang kabayaran.

EDITORYAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with