NAIA - BI naghigpit vs. human trafficking

AKALA ng mga sindikato ng human trafficking at illegal recruiters ay kaya nilang magoyo ang Bureau of Immigration - NAIA, kaya naman ng subukan nila ang mga ito para paalisin at makapag-hotrba abroad ay puro huli at hindi pinasasakay ng aircraft ang kanilang mga kawawang kliyente na binibiktima lamang nila dahil sa salapi.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahigpit na tinagubilinan ni Marc Red Marina, hepe ng BI - Port Operations Division ang kanyang mga tauhan sa paliparan na huwag makipagsabwatan sa mga sindikato kung ayaw nilang makasama sa kulungan ang mga gagong ito.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mga pinipigilan makalipad na mga pobreng alindahaw na gustong palusutin ng mga sindikato dito dahil basang-basa ng mga tauhan ni Red na pawang palso ang mga ipinakikitang ‘overseas employment certificate’ ng mga gustong lumipad kaya mabilis silang umalagwa palabas ng paliparan.

Sabi nga, after investigation!

Abangan.

Plano ni VM Joy Belmonte sa Kyusi

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ang kikitain sa babayaran real property tax sa Kyusi na ipapatupad next year ay inaasahang makakalikom ng P700 million kaya ito ay may mapupuntahan dahil gagamitin pala ito sa special education fund, pagpapagawa ng bagong hospital sa Batasan Complex, pagpapatayo ng new school, funding para sa mga barangay, elderly at PWD,  mayroon din ang QC General Hospital at Novaliches district Hospital.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ipatutupad na payment sa real property tax ay mas maliliit lamang kumpara sa kalapit lunsod sa Kyusi.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang ginawang pag-aaral dito at sa ginawang consultations sa maraming barangay sa Kyusi kaya naintindihan ito ng madlang people kaya napapanahon lamang ang ginawang pagtatama sa pagbubuwis sa Quezon City.

Sabi nga, hindi naman nagkaroon ng paggalaw sa payment ng real property tax.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang real property tax sa EDSA, Kyusi ay may P5,000 per square meters na mas mababa sa halaga ng real property tax sa EDSA, San Juan na P36,000, sa may Espana, Manila na P30,000 at EDSA,Caloocan na P30,000 per square meters.

Hanep hindi ba.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P200 ang real property tax sa mga scoialized housing kapag naipatupad na ang fair market value next year. Sa mga lugar naman ng mga mayayaman tulad ng Green Meadow, Ayala Heights, Corinthian, mga exclusive subdivision sa Kyusi aabutin ito from P150,000 to P200,000..

Ika nga, iba kasi ang halaga ng lupa sa mga mayayaman lugar kumpara sa mga socialized houses sa Kyusi!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last 2006 ang tax rate sa real property tax ay 18%, sa 2017 ito ay 5% lamang at sa mga commercial areas na mula 45% ay gagawing 40% na lamang ang tax rate  sa QC.

Ika nga, mas bumaba.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may bawas ng 20% sa property tax sa Kyusi na ang mga lugar ng kanilang lupa ay binabaha at nasa ilalim ng fault line.

Abangan.

Show comments