^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mapayapang Pasko

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mapayapang Pasko

Kapayapaan at kapakumbabaan ang mensahe ng kapanganakan ni Panginoong Hesus. Kung mapapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa mundo, walang kasingsaya ang madarama ng mga tao. Kung mapayapa ang lahat, ang resulta ay pagkakaisa at pagtutulungan at ito ang daan sa pag-unlad.

Ang hakbang ng gobyerno na wakasan na ang labanan sa pagitan ng mga rebelde ay isang magandang hakbang para sa tunay na kapayapaan sa bansa. Hangad ng gobyerno na matigil na ang labanan at magsama-sama na ang lahat. Sa kasalukuyan, patuloy ang negosasyon ng pamahalaan at grupong CPP-NPA. Matagumpay ang unang pag-uusap para matuldukan na ang matagal nang labanan na kumitil na nang maraming buhay.

Kamakalawa, sinabi ng commander ng 73rd Infantry­ Battalion sa Malita, Davao Occidental na maaaring bumaba sa bundok ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) para makapiling ang kani-kanilang pamilya sa Pasko. Ayon kay Lt. Col. Ronnie Babac, hindi aarestuhin ang mga communist guerrillas na bababa sa bundok sa panahon ng kapaskuhan. Malaya umano silang makakapiling ang kanilang pamilya na walang pag-aalala. Walang pag-aresto na gagawin sa kanila ang mga sundalo.

Ang pahayag ni Babac ay ginawa ilang araw makaraang hikayatin ni President Rodrigo Duterte na bumaba na sa bundok ngayong kapaskuhan ang mga miyembro ng NPA at makipagsaya sa kani-kanilang pamilya. Sa kasalukuyan patuloy ang peace talks at pinagkasunduang ceasefire.

Ang pakiusap na ito ng pamahalaan ay nararapat namang pakinggan ng mga rebelde. Seryoso ang pamahalaan na magkasundo na at matapos na dekadang labanan. Itigil na sana ang pagsunog sa mga pampasaherong bus gaya nang nangyari sa Tacurong City, South Cotabato noong nakaraang Miyerkules. Pinababa umano ng anim na rebelde ang driver at mga pasahero ng Husky Bus at saka sinunog.

Tapusin na ang labanan at magkaisa para makamit ang tunay na kapayapaan sa bansang ito. Kung may kapayapaan, maligaya ang lahat. Ito ang mensahe na ibig ipaabot nang pagsilang ng Mananakop.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with