^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Taasan pa ang tax sa sigarilyo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Taasan pa ang tax sa sigarilyo

MAGIGING P32 na ang isang kaha ng sigarilyo para sa murang brand at P35 naman para sa mamahaling brand kapag naging batas ang House Bill 4144 o ang Sin Tax Reform Act.

Pinaboran ng 176 na mambabatas ang panukala kaya tuluy-tuloy na ang paggulong nito hanggang maging ganap na batas. Maaaring sa susunod na taon ay madama na ng mga may bisyong yosi ang bigat ng dagdag sa presyo ng sigarilyo. Sa pagpapataw ng bagong tax, inaasahang kikita ang pamahalaan ng P14 bilyon.

Napakaganda ng panukalang ito. Bukod sa kikita ang pamahalaan sa malaking tax mula sa sigarilyo, marami rin ang mahihikayat na tumigil na sa pagyoyosi. Sa pagmahal ng presyo ng sigarilyo, maaaaring talikuran na nila ang nakakamatay na bisyo.

Sa isang pag-aaral, marami na ang tumigil sa paninigarilyo mula nang ipatupad ang pagtaas ng tax sa sigarilyo noong 2014. Umabot na 4.5 mil­yong Pinoy ang tumigil sa paninigarilyo mula nang itaas ang presyo ng bawat pakete. Napag-isip-isip marahil na sayang ang ibinibili ng yosi at nagiging dahilan pa ng kanser.

Nakatulong din umano nang malaki ang pag­lalagay ng graphic warnings sa pakete ng siga­rilyo. Ang paglalagay ng graphic warnings ay naka­­saad sa Republic Act 10643 na nilagdaan ni President Noynoy Aquino noong 2014. Kabilang sa mga ilalagay sa kaha o pakete ng sigarilyo ay mga retrato ng sakit na nakukuha sa paninigarilyo gaya ng cancer sa baga, lalamunan, bibig, pisngi, dila. emphysema, katarata, sakit sa puso at gangrene. Ayon sa DOH, 87,600 Pilipino ang namamatay taun-taon dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo.

Maaaring dumami pa ang titigil sa pagyoyosi kapag lubusan nang naipatupad ang bagong tax sa sigarilyo. Sino pa ang bibili ng yosi na napakamahal at nagdudulot ng kanser sa baga. Mas magiging matimbang ang kalusugan kaysa sa hatak ng bisyong ito na walang naidudulot sa katawan. Mas maganda kung isasagad na sa super-taas ang tax para wala na halos bumili ng yosi. Ito ang dapat.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with