MAKIKIPAGPULONG si MIAA general manager Ed Monreal sa pamunuan ng Philippine Air Force para pakiusapan buksan sa mga motorista ang Villamore Air Base para madaanan ng mga ito upang maibsan ang traffic papunta at palabas ng NAIA.
Ang nasabing bisinidad sa kasalukuyan ay may heavy construction sa ngayon at malamang matapos ito sa susunod na taon kaya naman terible as in grabe ang traffic todits.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na pagbigyan ng pamunuan ng PAF ang kahilingan ni Ed makakaginhawa ito sa mga motorista dahil magkakaroon ng alternate route sila papunta at palabas ng paliparan.
Kambiyo isyu, tinalakay na rin sa pulong yesterday sa pagitan ng mga opisyal ng MIAA, CAAP at PNP Aviation Group ang mga preparasyon nila sa nalalapit na Christmas season dahil tiyak na muling dadagsa ang mga pasahero incoming at outgoing sa lahat ng terminals ng NAIA.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inihanda na ng pamunuan ng MIAA ang mga security measures para rito pero hindi na natin ibibida pa dahil sensitibo ang gagawin seguridad para sa kaligtasan ng madlang people na pupunta at papasok sa paliparan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagbigay babala si Ed sa lahat ng mga hoodlums na tuwang-tuwang maghasik ng mga kawalanghiyaan sa airport dahil malabo silang makapambiktima dito sa ngayon dahil nakakalat na ang mga plain clothes police sa apat na sulok ng mga terminals sa NAIA.
Yesterday, ipinakita ni Ed at ng airport police sa media ang mga salisi gang, mandurukot, magnanakaw at mga gagong taxi drivers na nahuli ng kanyang mga tauhan na bumibiktima ng mga pasahero sa mga terminals.
Ang mga nahuling salarin ay kinasuhan na nila Ed para magtanda at makulong na ang mga ito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nanawagan si Ed sa mga pasahero sa paliparan na agahan ang kanilang pagpunta sa NAIA para hindi sila magkaproblema sa trapiko at umabot sa kanilang flight.
Abangan.
BI - NAIA, todo higpit sa monitoring
BANTAY sarado sa mga NAIA intel agents ng Bureau of Immigration ang mga sindikatong magsasagawa ng ‘dirty tricks’ ngayon dahil sa napabalitang aktibo ang binabalak na operasyon ng mga sindikato sa paliparan para mambiktima ng madlang pinoy na gustong mag-work abroad.
Sa report na ipinadala ni Marc Red Marinas, hepe ng BI port operations division kay BI Commissioner Jaime Morente, nasa ‘red alert’ ang NAIA-BI sa lahat ng terminals para magmanman at bantayan ang galaw ng mga sindikatong magpapalusot ng mga kawawang pinay workers na walang sapat na dokumento para magtrabaho bilang mga domestic helpers sa Gitnang Silangan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binalaan ni Red ang kanyang mga tauhan na huwag gagawa ng mga kagaguhan para makipagsabwatan sa mga sindikato dahil hindi siya natatakot na tanggalin sila sa trabaho at ipakulong kapag napatunayan nagkasala.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, apat na Immigration officers na ang nasungkit ni Red na nagpapalusot ng mga pobreng alindahaw na nagpanggap na mga turista pero iyong pala ay mamamasukan domestic helpers sa Saudi.
Nabuko ni Red ang mga ipapadala sa abroad matapos ang intel networking at mapagalaman na wala pala silang kaukulang dokumento.
Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kasabwat na Immigration officers na tumanggap diumano ng pitsa ay nasa kangkungan na at naghihintay na lamang ng order para matanggal sa hotraba.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kasalukuyan ang apat na Immigration officers ay nasa ‘floating status’ dahil itinapon sila ni Commissioner Morente sa reccomendation ni Red sa ‘boarder.’
Sabi nga, sa malayong lugar.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malapit ng mag-say goodbye sa Bureau of Immigration ang apat na kamote.
Abangan.
‘Nasungkit nila ang isang alyas Lucman Balindong ng Lanao del Sur kasama ang sinasabing asawa nito na isang Mazel Collo dyan sa NAIA Terminal 3 papuntang Saudi.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, muntik na lumusot si Lucman.