^

PSN Opinyon

US hahabul-habol matapos mang-iwan

MGA SWERTENG DULOT NG NUMERO - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANANG ilang analysts, galit daw si President Duterte sa US dahil minolestiya siya noong bata pa ng pari na Amerikano. May ispekulasyon na dinamdam din niya ang pagkait sa kanya ng US visa dahil sa pangit na human rights record bilang city mayor, bagamat inimbitahan naman siya sa America ng US government. Anang iba mas malala pa roon ang kinikimkim ni Duterte kontra sa US. Nariyang inagaw ng US-CIA mula sa hustisya ang operatibang pinagmulan ng pagkasunog ng otel sa Davao City, tapos sinabihan si Mayor Duterte na kalimutan ang lahat nang mananalo na siya ng Pangulohan. At nariyang ibinibintang sa kanya ni Barack Obama lahat ng pagpatay sa drug pushers pati ng vigilantes, gayong inaarmasan ni Obama ang army ng Mexico para katayin ang mga sibilyan sa drug war, tulad ng ginawa ng mga naunang US presidents sa Colombia.

Kung tutuusin mas malala pa riyan ang hinanakit ni Duterte. Nu’ng kampanya pa lang pinagdudahan na niya ang sinseridad ng US sa Mutual Defense Treaty nito sa Pilipinas. Aniya noon, kung may malasakit ang US, pinasadahan sana ng US Navy ang mga bahura ng Pilipinas na ginagawang military fortresses ng China. At nang manalo ang Pilipinas sa UN arbitration tungkol sa pang-aagaw ng China, hindi man lang nag-alok ang US na tumulong ipa­tupad ang hatol. Sa halip, sinabihan ng US si Duterte na makipag-usap sa bully na Beijing na payagan ang mga Pilipino na mangisda muli sa Scarborough Shoal.

Kaya ‘yon na nga ang ginawa ni Duterte. Nagdaramdam na inabandona siya ng US, binawi niya ang pasiklab na personal na magtatanim ng bandila ng Pilipinas sa Spratlys kung saan kaagaw ang China. Sa halip inanunsiyo niyang hiwalay na ang Pilipinas sa US, at makikialyansa na sa China at Russia. Tulala ngayon si Uncle Sam.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

US GOVERNMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with