HINDI biro ang ahensiyang nasa ilalim ng Department of Transportation malaki ang saklaw ng trabaho nila at lawak ng mandato nito kaya naman ang performance nila sa pangunguna ni DOTr Secretary Art Tugade ay nakasalalay sa bawat galaw na kanilang ginagawa.
Sabi nga, kung palpak o hindi!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mga kritiko na bumabakbak sa nasabing departamento dahil nasanay ang madlang people sa dating palpak na administrasyon.
Ika nga, puna sa mga kapalpakan pinaggagawa noong sila pa ang nasa trono.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung tutuusin wala pa halos limang buwan umiinit ang puwitan ni Art sa DOTr pero dahil sa naging masama sa madlang people ang imahe nito siya ang nababatikos.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginagawan ng paraan ni Art ang mga problemang iniwan ng dating administrasyon kaya kailangan bigyan natin siya ng oras para maresolba at maayos ang sistemang bulok na pinairal noon.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kamakailan nagkaroon ng mapanganib na aberya sa NAIA runway matapos madiskubre dito ang mga nagkabitak-bitak na semento pero ang pangyayari ay agad inaksyunan nina Art at mabilis na naayos ang problema na iniwan sa kanya ng dating administrasyon.
‘Himingi pa si Art ng tawad sa mga naperwisyo kahit alam niyang wala siyang kasalanan dahil ilang linggo pa lang siya nakaupo sa bago niyang puesto sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Sabi nga, mapanganib sa mga eroplanong gumagamit ng nasabing pasilidad at abala sa mga pasahero ang nadiskubreng kapalpakan.
“Puro banat ang inabot ni Art sa mga kritiko ng Duterte administrasyon dahil siguro sa takot na magsagawa sila ng malaliman imbestigasyon sa mga nangyaring kapalpakan noong sila pa ang nasa poder’ dagdag ng kuwagong urot.
Tahasang sinarili ang obligasyon at may pagkukumbabang nangako na gagawa ng agarang paraan. Isang katangiang pambihira nating masasaksihan sa mga taga-gobyerno, ngayon man o sa nakaraan.
Sa ngayon, pailan-ilan na lamang ang maririnig na daing hinggil sa flight delays at aberya ng pasahero. Marahil totoo ngang nasa mga inobasyon at bagong uri ng desisyon ng pangasiwaang Tugade at ng kanyang mga tauhan tulad ni MIAA general manager Ed Monreal, na namumuno sa NAIA.
Sa ngayon, batid na ng marami ang istilo ng pagsasalita ng mamang ito, marubdob ang pagnanais mapaliwanag ang lahat sa bawat panayam sa kanya ng media - telebisyon man o radyo, minsan nga’y napapagkamalan pang mainitin ang ulo dahil dito.
Sabi nga, conciuos ang kalihim dito, kaya nga ang kanyang pagtalaga sa isang tv news personality bilang tagapagsalita ay ikinatuwa ng maraming press pipol na nagkukober sa departamento.
Ika nga, si Cherrie Mercado!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORAMISMO, Ang EDSA na lamang ang binibigyan solusyon ni Art sa tulong ng mga experto sa trapiko.
“Maayos kaya ang EDSA?’
Abangan.