^

PSN Opinyon

‘Boy Lugaw’ at ‘Bagitong Hepe’ ng San Pedro

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

NANGAILANGAN KAMI ng drayber at may numerong ibinigay sa ‘min ang agency. Tinawagan namin ito at may babaeng sumagot at nagpakilalang Vanessa Padilla.

Matapos magtanong ng ilang bagay-bagay ay nagbigay siya ng numero ng isang lalaki na kinakasama pala niya na si Victor Gallanosa. Dumiretso sila sa bahay namin at itong si Victor ay nakiusap kung pwedeng pumasok ang kanyang ka-live in na si Vanessa. Sinundo niya pa ito sa may SM Sucat.

Makalipas ang mahigit na labing limang araw napansin ko na walang pinapakita sa aking mga papeles itong si Victor yun pala hindi na sila nakipag-ugnayan sa agency kundi dumiretso na lang sa ‘min.

Dahan-dahan ko ring nakita ang magaspang na ugali nitong si Victor kaya ang ginawa ko nag-request ako sa aking kaibigan na dating opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) para i-record check ito.

Nang balikan ako ng kaibigan kong dating opisyal ng NBI pina­dalhan ako ng kopya na may mga kasong kinakaharap ito. Dalawang kaso ng Murder at ang isa naman ay Estafa kaya’t minarapat kong ipaalam sa local police sa pamumuno nitong si Supt. Harold Depositar.

Maliban pa dun yung mga katulong na nasa katabing kwarto nila na ang pagitan lamang ay banyo ay nakakaamoy ng kakaibang usok na nanggagaling sa kanilang kwarto.

Kinausap ko itong hepeng ito na ipa-drug test sila. Pinadalhan ako ng imbestigador na si PO2 Hum Lloyd Esperon dumating sa bahay ko at kada punta rito ay nagpaparinig na gagawin ko lahat ang trabahongg ito. Matrabaho ito kaya ako naman ay nakaramdam na humihingi ito.

Hindi naman ako bato para hindi bumunot at magbigay ng pera sa kanya. Nakatatlong ulit yatang pabalik-balik yan na parating naghihintay na maabutan.

Pumirma itong si Victr at Vanessa na kusang loob silang magpapa-drug test. Nagbigay na naman ako ng isang libo para sa drug test na ang sukli ay hindi ko na nakita pa.

Ayaw nilang ikulong si Victor kaya napagkasunduan namin na ilalagay lamang sa isang lugar itong si Victor dahil lalabas ang resulta ng drug test kinabukasan at pagdating ng linggo ay pwedeng makontak ang warrant section ng Cavite.

Si Vanessa naman dahil wala naman siyang warrant of arrest ay pinakiusap niyaang gusto pa ring magtrabaho at naawa naman ako na maiwan siya sa istasyon at dun matulog total ang asawa niya ay nasa pangangalaga nitong si PO2 Esperon.

Nung pagbalik nila dito pumasok sila sa loob ng bahay at pumunta sila sa kusina at kumuha ng pagkain.

Makalipas ang ilang minuto naalala ko na ang aking baril na .45 kaliber pistol 1985 model na customized na lisensiyado (LTOP) na nagkakahalaga ng Php150,000 ay nawawala.

Pinarating ko sa bagitong hepe na yan at sabi niya wala daw nakakita na aktwal pero sino ang interested party sa usaping ito? Alam na ni Victor na hindi na siya magmamaneho sa akin at mula sa pinagkunan nila ng pagkain nakatakip lang ang isang laptop at makikita mo ang nikeladong parte ng baril.

Ang sabi nitong si PO2 Esperon sabi raw ng bagitong hepe niya na walang karapatan na maging chief of police ng San Pedro City dahil sa hina ng diskarte niya ‘circumstacial daw’.

Ang sabi ko pinaliwanag ko ay ang circumstancial na kapag kinonek mo ang sunud sunod na dots malalaman mo kung sino ang maaaring kumuha ng baril.

Ano bang klaseng pulis ito? Ito bang uri ng pulis na ipinaglalaban ni Presidente Rodrigo Duterte, PNP Director General Bato dela Rosa at Director for Operations Benjie Magalong? Kulang sa bayag ang mga pulis na ito.

Natulog si Vanessa sa bahay namin habang si Victor ay naiwan sa istasyon na hindi naman nakakulong.

Kinaumagahan habang hindi pa bukas ang crime laboratory niyaya nitong si Victor si PO2 Esperon na kumain sa lugawan. Nagpalibre pa nga ito at pagkatapos kumain ay bumalik siya sa istasyon at sinabi niya kay Victor sumunod ka na lang,

Parang istorya ni Juan Tamad na sinabihan ang mga alimango na sumunod sa bahay kaya ngayon itong si PO2 Esperon ang “Boy Lugaw” ng San Pedro.

Paggising ko ng kahapon ng alas otso ng umaga tumakas na itong si Vanessa at nang tawagan ko si PO2 Esperon sabi sa akin “Yan ang problema ko Sir pagkatapos naming kumain ng lugaw tumakas na.”

Hindi ba katangahan ang ginawa niyong yan under the chain of responsibility. Dapat si Boy Lugaw at itong si bagitong hepe ay sibakin at bigyan ang San Pedro ng magaling-galing na hepe at imbestigador.

Narito ang itrato nitong si Victor Gallanosa at si Vanessa Padilla. Ayon sa kanyang voter’s information sheet ni Victor siya ay nakatira sa Brgy. 62-A (Kangkong A) Cavite City.

ABANGAN ang susunod na impormasyon at pangyayari sa kasong ito dito lamang EKSKLUSIBO sa Calvento Files sa PSNgayon.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari rin po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

TONY CALVENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with