MMDA Tim Orbos, read this!

Dapat hindi na magpatumpik-tumpik pa si MMDA chairman Tim Orbos sa naisip niyang paraan na disiplinahin ang madlang riders ng mga pampasaherong bus dyan sa kahabaan ng EDSA na patawan ng parusa dahil isa sila sa dahilan ng traffic sa kalsada.

Sabi nga, pasaway!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang huhulihin na rin ang mga palaway este mali pasa­way pala na madlang riders na lalabag sa paiiraling batas ng MMDA at hindi lang mga abusadong drivers ang magkakamot ng ulo oras na ipinatupad ito.

Sabi nga, titikitan na rin ng ‘anti-jaywalking’ ang mga lalabag na pasaway na mananalakay este mali mananakay pala.

‘Ang huhulihin at titikitan ay yong mga sasakay at bumababa na mga kamoteng pasahero sa mga lugar na bawal hintuan ng mga buses.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Natutuwa ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Tim at naisip niya ito dahil malaking bagay na bukod sa mga driver ay madisiplina rin ang mga mananakay.

Sabi nga, sa ikauunlad ng Philippines my Philippines disiplina ang kailangan!!!

Ayon sa panukala ni Tim ang maglilibag dito este mali lalabag pala ay may P500 multa at kung ang mga mahuhuli ay walang salaping pambayad ‘community service’ ang ipapataw na parusa.

Siguro mas mainam na taasan pa ang multa gawin itong P1,500 at kung walang perang pambayad ikulong ng 24 hours para lang magtanda at madisiplina ang mga lalabag na bawal ang kanilang ginawa.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ang mga ‘senior citizens’ ang lumabag siguro i-waive na lamang ang parusa/multa at pagsabihan na lamang na sa susunod na paglabag sila ay hindi na pagbibigyan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, higpitan ang pagpapatupad sa “Close Door Policy” sa mga bus sa kahabaan ng EDSA pagmultahin sila oras na mahuli na lumabag ng P5,000 agad sa 1st offense, P20,000 sa 2nd offense at sa ikatlong paglabag ‘kanselahin’ ang prangkisa nito.

‘Ewan lang natin kung may matitigas pang gagawa nito sa tindi ng multa kaya tiyak disiplinado ang mga kamoteng abusado.’ sabi ng kuwagong urot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipa­tupad na agad ang bagong regulasyon dahil hindi biro ang madlang people ngayon sa kalsada lalo’t christmas season is fast approaching.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng mga ORA MISMO, dapat ma-counter ang mga kamoteng arresting officers baka pangongotong lang ang gawin nila sa lalabag sa pinaguusapan natin? Hehehe!

Dapat pag-aralan na ring isama ang mga pampasaherong jeep pati mananakay nila sa bagong ipatutupad na regulasyon ng MMDA sa buong Metro-Manila para madisiplina na rin ang mga abusado.

Abangan.

SSS pension hike

Maguusap-usap ang bagong pamunuan ng Social Security System at mga mambabatas para sa pagbalangkas ng mga makabuluhang batas sa pensyon upang matiyak na tatagal ang pondo para rito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, patuloy sa paghahanap ng paraan ang SSS para  mas mapaunlad ang mga sistema ng ahensya at mas maging maingat sa paggastos para mas makapagtabi ng pondo  at makapagbigay ng mas mataas na benepisyo sa mga miembro.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, suportado ni Social Security System chairman  Amado Valdez, ang pagtaas ng pensyon sa ilalim ng matibay na mekanismo para pondohan ito.

Abangan.

Show comments