^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Coco levy funds nasaan na?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Coco levy funds nasaan na?

NAKA-100 araw na sa puwesto si President Rody Duterte subalit ang pinangako niyang pagbi­bigay ng coco levy funds sa mga magniniyog ay hindi pa naisasagawa. Noong Hunyo, sinabi ni Duterte na i-released na ang pondo na sa kasalukuyan ay lumobo na sa P100 bilyon. Inatasan ng Presidente si Agriculture Sec. Emmanuel Piñol, na ipagkaloob na sa mga magniniyog ang bilyong pondo­. Pero mahigit tatlong buwan na ang nakararaan mula nang ipag-utos ay wala pang natatanggap ang mga magniniyog. Ayon sa report dadaan pa umano sa pagtalakay ng mga mambabatas ang pagbibigay ng coco levy. Ang tanong, pinaprayo­ridad ba ito ng House of Representatives?

Ang coco levy ay puwersahang kinaltas sa mga magniniyog noong 1975 sa bisa ng Presidential Decree 755 na inisyu ni dating President Ferdinand Marcos. Ilang Presidente na ang naupo mula nang mapatalsik si Marcos noong 1986 subalit walang ginawa para maibalik sa mga magniniyog ang buwis na kinolekta.

Mga cronies ni Marcos ang nakinabang sa coconut­ levy. Ginamit ang pera ng mga magniniyog  para bilhin ang United Coconut Planters Bank (UCPB) at iba pang corporation. Puwersahan ang pagbabayad ng tax ng magniniyog na noong una, sinasabi na para raw ito sa pagpapaunlad ng mga niyugan ng magsasaka at mayroon daw share ang mga magsasaka sa coco levy. Walang magawa ang mga magniniyog kundi magbayad ng buwis.

Mahigit 40 taon nang pinaglaban ng mga magni­niyog na maibalik ang pondo subalit patuloy na pinagkakait. Marami sa mga magniniyog ay namatay na at hindi na napakinabangan ang inihulog na buwis. Marami ang nawawalan ng pag-asa na ma­ibabalik pa sa kanila ang kinaltas.

Pero nang maupo si Duterte at ipinangako ang pagbibigay ng coco levy nabuhay ang kanilang pag-asa. Sa wakas, makukuha na rin nila ang ibinayad na buwis. Maaari pang mapakinabangan ng ilang matatandang magniniyog. Sana tuparin na ang ipi­nangako. Karapatan naman itong matanggap ng mga kawawang magniniyog. Tapusin na ang matagal nilang paghihintay.

COCO LEVY FUNDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with