^

PSN Opinyon

Ang kaso ni MJ

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NABUHAY na naman at higit pang nag-alab ang kaso ng OFW sa Indonesia ni Mary Jane Veloso na nakapiit sa Indo­nesia sa kaso ng pagpupuslit ng droga. Bitay ang hatol na parusa kay Veloso pero nakiusap ang pamahalaang Pili­pinas na hintayin muna ng Indonesia ang resulta ng paglilitis sa mga Pilipinong recruiter ni Veloso para patunayang isa lang biktima si Veloso na walang kamalay-malay na ang ipinabitbit sa kanyang bagahe nang lumisan siya sa Pilipinas ay nagtataglay ng malaking kantidad ng heroina.

Sa kasamaang palad ay nabisto ito sa paliparan sa Indo­nesia kaya siya inaresto, ikinulong, nilitis at hinatulan ng kamatayan sa firing squad. Nang dumalo si Presidente Duterte sa ASEAN Summit sa Laos, nagtungo siya sa Indo­nesia upang kausapin si Presidente Widodo. Ang batid ng lahat ay makiki­usap siya kay Widodo na bigyan ng clemency­ si Veloso. Pero ang sumulpot na balita ay ibinigay na raw ni Duterte kay Wi­dodo ang go-signal na bitayin na si Veloso. Natural na  sumiklab ang galit hindi lamang ng mga kaanak ni Veloso kundi pati na yung ibang may mga kaanak na OFW. Pero pinabulaan ng Malacañang na nagbigay ng ganung pahintulot si Duterte. Anang Pangulo ang tanging sinabi niya kay Widodo ay “implement your law and I will not interfere” na binigyang interpretasyon na pagbibigay ng go-signal sa Indonesia na bitayin na si Mary Jane. Ani Duterte, walang kinalaman kay Veloso kundi sa parusang bitay in general ang kanyang pahayag.

Ngunit kung hindi napag-usapan si Veloso sa pagha­harap ng dalawang Pangulo, ano ang pinag-usapan nila? Luma­labas ngayon na wala namang nabago. Kung ano ang nara­ting noon ng administrasyong Aquino kaugnay ng kaso ay siya pa ring umiiral ngayon. Na hindi muna bibitayin si Veloso habang hinihintay ang resulta ng legal process dito sa Pilipinas.

Kung mapapatunayang biktima lang talaga si Veloso sa paglilitis dito sa ating bansa, hindi nangangahulugan na lusot na sa bitay ang OFW. Ibig lang sabihin, dun pa lang puwedeng umapela para sa clemency ang ating pamahalaan para kay Veloso. Ngunit tama pa rin ang sinabi ni Duterte. Puwedeng makiusap pero kung igigiit ng Indonesia ang pagpapatupad ng batas na ito, walang magagawa tayo kundi…bow. Let us continue to pray dahil malaki ang nagagawa ng taimtim na panalangin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with