^

PSN Opinyon

Pansariling interes kikitil sa reporma

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PINAKA-praktikal na paraan umano ang Constituent Assembly (CA) sa pagbago sa federal-parliamentary go­vernment. Sinusuwelduhan na ang mga senador at kongresista para gumawa ng batas; isisingit na lang nila sa work schedules ang pagrebisa ng Konstitusyon­. Aapurahin nila ang pag-alis mula sa kasalukuyang unitary-presi­dential sa loob ng tatlong taon, bago magwakas ang termino ng kalahati ng Senado at buong House of Reps. Kung Constitutional Convention, gagasta pa ng P7 bil­yon sa eleksiyon ng mga delegado, bukod sa sahod nila. Walang katiyakan kung kelan sila matatapos, o kung babaguhin din nila ang Konstitusyon.

Pero duda ang mga tao sa CA. Kabado sila na mana­­naig lalo ang pansariling interes ng mga politiko. Baba­rahin ng mga senador kung unicameral ang parliament, ipipilit nila ang nakasanayang bicameral.

Hahadlangan naman ng buong CA-Kongreso ang pag-alis sa political dynasties. Kasi nga naman, apat sa bawat limang mambabatas ay bahagi ng mga nagha­haring dynasties sa kani-kanilang lokalidad.

Haharangin din ang hangad ni President Rody Duterte na pag-alis ng party-list voting. Inabuso na ng mga eli­tistang politiko ang sistemang ‘yon. Pero paano ‘yon wawakasan kung 20% ng Kamara -- 59 na kongresistang dynasts -- ay taga-party list?

Kung tutuusin, gan’un din ang mangyayari sa halal na Con-Con. Mga asawa, anak, magulang, at kapatid din ng mga kasalukuyang taga-Kongreso ang magde-de­legado. Hindi makakasingit ang repormistang mamamayan. ‘Yan nga ang dahilan kaya, nung Halalan 2016, ay 558 kandidato sa pagka-kongresista, gobernador, at meyor ay unopposed.

Pinapanukala tuloy na humirang ang Presidente at Kongreso ng Constitutional Commission. Bubuuin ito ng mga eksperto na susulat ng mga pagbabago sa Konstitusyon, na siya namang ipapanukala sa CA.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with