^

PSN Opinyon

Tagumpay ni Hidilyn Diaz

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi maganda ang simula ng kampanya ng ating mga atleta sa 2016 Rio Olympics, kung saan natalo ang tatlong atleta sa table tennis, boxing at swimming, naka­bawi naman tayo nang husto. Nakamit ni Hidilyn Diaz ang pilak na medalya sa weightlifiting. Ito ang pa­ngatlong pilak na medalyang nakamit ng bansa sa kasaysayan ng Olympics. Ikinatuwa ng buong bansa ang tagumpay ni Diaz. Sino ang mag-iisip na sa weightlifting pa tayo makakakuha ng medalya, at babae pa ang atleta­. Sa kabila ng mga masasama at malungkot na balita nga­yon, napakaganda ng pagkapanalo ni Diaz.

Inulan ng papuri si Diaz para sa kanyang kahanga-hangang gawa. Nabanggit ko lang noong isang araw na sana ay pagpalain ang mga ibang atleta na lalaban pa sa kani-kanilang paligsahan. Hindi binigo ni Diaz ang bansa. Dahil sa kanyang katuparan, tatanggap siya ng P5 milyon bilang insentibo mula sa gobyerno. Bibigyan din siya ng bahay at lupa mula sa isang realtor na ipinangako sa lahat nang mananalo ng medalya sa Rio.

Sana, magsilbing inspirasyon ang tagumpay ni Diaz sa mga atletang lalaban pa sa Rio. Ayon sa batas, P10 milyon ang matatanggap ng makakakuha ng gintong­ medalya at P2 milyon naman para sa tanso. Kaya hindi maliliit na halaga para sa magiging matagumpay sa Rio, katulad din ni Hoang Xuan Vinh na nanalo ng kauna-unahang gintong medalya ng Vietnam sa pistol shooting­. Tatanggap siya ng $100,000!

Pero sigurado ako hindi ito para sa pera o bahay at lupa, kundi para sa ipagmamalaki ng bansa. Ang diwa ng Olympics ay kahusayan sa paligsahan. Pinakamabilis, pinakamalakas, pinakamataas, pinakamalayo, pinaka-perpekto. Ang hamon ay hindi lang para maging mas magaling kaysa sa katunggali, kundi para na rin sa sarili. Sana magsilbing inspirasyon din ito sa lahat ng mga may pangarap na maging magaling na atleta sa anumang paligsahan. Katulad ni Diaz na nagsumikap, nag-ensayo nang mabuti. Ngayon, bukod sa namunga na ang lahat ng kanyang pinaghirapan, nagdala rin siya ng karangalan sa bansa.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with