^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kapayapaan at pagbabago

Pilipino Star Ngayon

“LAHAT tayo ay naghahangad ng kapayapaan o katahimikan– hindi nang katahimikan para sa mga patay kundi katahimikan para sa mga buhay,” sabi ni President Rodrigo Duterte kahapon sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA). Tumagal ng isang oras at kalahati ang pagsasalita ng Presidente na unang napabalita na 30 minuto lang tatagal. Maraming isiningit si Duterte sa kanyang talumpati katulad nang simpleng pagpapatawa na nagdulot naman ng kasiyahan sa mga bisita.

Dapat nang wakasan ang karahasan at tamasahin na  ang sarap ng kapayapaan. Inihayag ni Duterte kahapon ang unilateral ceasefire sa mga rebelde. Sana raw, ganito rin ang gawin ng mga rebeldeng komunista. Sabi pa ng Presidente, nakatakda na ang usapang pangkapayapaan sa mga rebelde sa susunod na buwan na gagawin sa Norway.

Maganda ang hakbang na ito ni Duterte. Ang pagkakamit ng kapayapaan ay dapat nang magkaroon ng puwang upang umusad ang bansa at tuluyan nang umunlad. Kapag nagkaroon ng positibong resulta ang usapang kapayapaan laban sa mga rebeldeng komunista, mahihikayat na ang investors na maglagak ng kanilang puhunan sa bansa. Wala na silang katatakutan para dito sa Pilipinas magnegosyo. Ang resulta nito ay ang pag-angat ng ekonomiya at maraming mahihirap na pamilya ang makikinabang. Wala nang magugutom at wala nang gagawa nang krimen. Ang kahirapan ang ugat ng krimen.

Nararapat namang tuparin ng Duterte administration ang naunang pangako na susugpuin ang kriminalidad at ang pagkalat ng bawal na droga. Tiyakin na wala nang drug lords sa bansang ito sa loob ng anim na buwan. Ipatupad din ang madaliang pagkuha ng mga papeles at anumang dokumento na hindi na pipila. Wakasan na ang contractualization at ganundin naman ang bawas tax sa mga karaniwang manggagawa.

Kapayapaan at pagbabago ang mensahe ni Duterte kahapon. Aabangan ng mamamayan ang mga pangakong ito.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with