^

PSN Opinyon

Bibilis at murang internet

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MATUTUWA ang madlang pinoy sa Phlippines my Philippines oras na natupad  nito ang ‘campaign pro­mise’ ni President - elect Digong Duterte regarding sa  internet connection service pag-upo niya sa kanyang bagong kaharian next month.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inaayos mabuti ng  Globe at Smart ang kanilang kapasidad para makapaghatid ng mas mabilis, mas abot-kaya at mas malawak na internet service gamit ang binili nilang mga telecom assets from San Miguel Corp.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga assets na ito ang matagal na nilang hinihiling na radio frequencies sa 700 megahertzspectrum, na siyang kailangan para bumilis pa ang internet service sa Philippines my Philippines.

Sinabi naman ni Manny Pangilinan, chairman at pa­ngulo ng PLDT (ang parent company ng Smart) na kaya nila itong gawin sa loob  ng 4 to 6 months.

Ayon kay Ernest Cu, pangulo at CEO ng Globe, magagawa nilang mapabilis ang internet service sa loob na tatlo hanggang apat na buwan gamit ang 700 mhz frequencies.

Titiyakin daw ng National Telecommunications Commission na tutuparin ng Smart at Globe ang kanilang commitment dahil kasalukuyan silang kumukuha ng mga makabagong equipment para mamonitor kung may pagbabago sa bilis ng internet connection next month.

Sa paggamit ng PLDT/Smart at Globe ng 700 mhz frequencies, posible na ang internet speeds na mula 50 hanggang 100 mbps sa mas abot-kayang halaga,
kumpara sa 3g speeds na ang pinakamabilis ay 21 mbps.

Mas malawak  rin ang sakop ng 700 mhz spectrum kaya hindi na kailangang magtayo ng maraming cell sites dahil kayang - kaya na ito umabot sa mas malayong lugar pa ang internet service.

Mas maganda rin ang indoor coverage gamit ang 700 mhz spectrum at mas lala­wak pa ang  coverage  ng LTE, ang kasalukuyang pinakamabilis na wireless internet connection technology.  

Happy si incoming Finance Secretary Sonny Dominguez kabilang ang madlang internet users sa Philippines my Philippines, dahil sa magandang balita from Smart at Globe at Smart.

Sabi ni Dominguez, gusto ni Digong ang mabilis na serbisyo ng internet kaya ipinangako ng huli ito sa kanyang kampana este mali kampanya pala.

Binitiwan ng SMC ang hawak na mga frequencies para mas mapakinabangan ng telecom companies para makapaghatid ng mas mabilis na internet service sa madlang users.

Abangan.

***

Capt. Nic Faeldon, technical smuggling sa NAIA malala

PINITIK ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang alyas Jimmy ‘tsekwa’ ang smuggling operator ngayon sa NAIA kasabwat ang mga tiwaling customs dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, assorted electronics  gadgets ang pinapasok sa NAIA terminal 2 ni alyas Jimmy ‘tsekwa’ from China.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maliit lamang ang ibinabayad sa gobierno para sa mga saku-sakong electronics equipment ng kamote dahil ang natitirang pera sa pinagusapan halaga ay pinaghahatian ng kurap sa Customs. Take note, incoming BOC Commissioner Faeldon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, minamadali na ng mga kurap sa customs ang kanilang kagaguhan dahil sa isang buwan pa naman daw uupo si Faeldon sa bureau at hindi naman sila amoy nito.

Naku ha!

Abangan.

CEBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with