^

PSN Opinyon

Narco state na ba tayo?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SINASABI na may mga opisyal ng pulisya at ibang sangay ng pamahalaan ang protector ng droga. Iyan naman ay isang ”open secret” na matagal nang alam ng marami pero walang mapagkunan ng kumpirmasyon.

Sa tingin ko (at ito’y haka-haka ko lang) hindi lang sila protector kundi sila mismo ang operator ng droga sa Pilipinas at ang mga tinatawag na drug lords at pushers ay mga galamay lang nila. Ibig sabihin, sila na mismo ang mga miyembro ng sindikato. Kung magkabukingan at magkasabitan, yung mga galamay nilang drug lords at pushers ang niraratrat sa shootout.

Grabeh! Narco state na ba tayo?

Abangan natin ang paniniyak ni President-elect Duterte na  tutuldukan niya ang problema sa droga kasabay ng babala niya sa mga police generals at tauhan na sangkot sa droga na magbitiw na...or else.

Sa huling pahayag ni Duterte, sinabi niya na may 30 local executives na sangkot sa illegal drug network. Sinabi niya ito sa pakikipagpulong niya sa mga kongresista kamakalawa ng gabi sa Davao City. Alam niyo naman na wala nang access ang media kay Duterte dahil sinelyuhan na niya ang labi sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag. Sabi niya “no talk, no mistake.”

Kaya siguro ibang tao na ang pinagsasalita niya para kung may adverse reaction ang taumbayan ay may pagpapasahan ng pagkakamali.

Ang second hand na pahayag ay nagmula kay Rep. Danilo Suarez na dumalo sa naturang okasyon. Ayon kay Suarez, may ibinunyag na pangalan si Duterte pero ayaw naman niya itong sabihin sa media.

Ibig daw ng bagong Pangulo na lumantad na ang mga tinutukoy niyang opisyal at “mangumpisal” para gumaan ang kanilang parusa.  

Nakakakabog ng dibdib iyan. Kung ang mga pulis at local na opisyal na dapat mangalaga sa kaligtasan at seguridad ng taumbayan ay hindi na maaasahan dahil sila pa ang nagpapahamak sa atin, saan pa tayo sasandal?

FLORENCIO ABAD

PUBLIC ATTORNEYS’ OFFICE

RETIREMENT BENEFITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with