^

PSN Opinyon

Magandang senyales sa sektor ng kalusugan

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NAPABALITA na nais ipagbili ni presumptive President Rodrigo Duterte ang presidential yacht at ang pondong malilikom mula rito ay ilalaan sa pagsasaayos at pagpapaganda ng pasilidad ng ilang ospital, partikular ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC). 

Bukod dito, plano rin ng susunod na presidente na ilaan ang pondo para sa mga suweldo ng mga doktor upang hindi na sila kailangan pang lumabas nang bansa para sa mas malaking suweldo, at pagbili ng CT Scan at pagmodernisa ng mga pagamutan gaya ng mga pribadong ospital. 

Aniya, mas mainam na ibenta na lamang ang BRP Ang Pangulo dahil sa laki ng buwanang gastos sa pagmintina nito habang hindi naman ito madalas na ginaga­mit at nakatengga lamang. Mas makakabuti umano na pakinabangan ang pondo mula rito ng mga kagawad ng pulis at militar, at ng mga beterano. 

Kung hindi man maipagbili, naibalita rin na plano ni Mayor Duterte na gawin itong “floating hospital” upang magbigay serbisyo kung saan may kaguluhan. Maaari umano itong magkaroon ng mga kuwarto para sa mga sugatang sundalo. 

Magandang senyales para sa sektor ng kalusugan ang mga pahayag ng susunod na presidente na pagandahin ang serbisyo at pasilidad ng ating mga ospital para lubos na makapagsilbi at makatugon sa panga­ngailangan ng ating mga kababayan. 

Matagal nang panawagan ng marami nating kababayan na may iniindang karamdaman at mga pasyente ang pagpapabuti sa mga serbisyong medikal, mula sa mga pampublikong ospital hanggang sa mga barangay health centers. 

Ako ay naniniwala na ang sektor ng kalusugan ay isa sa mga pinakamahalagang serbisyo publiko na dapat ipagkaloob ng pamahalaan sa mga mamamayan. Kaya naman, marapat lamang na bigyang atensyon ang kalidad ng serbisyong ibinibigay nito sa pamamagitan ng kumpleto at modernong kagamitan at mga mahuhusay na doktor at medical professionals. 

Gaya nang marami at malaking inaasahan mula sa papasok na bagong administrasyon sa ilalim ni Mayor Duterte, nawa ay magtagumpay siya sa pagbabagong bihis ng maraming pagamutan at sa pangkalahatang sektor ng kalusugan. 

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with