Transition

SA buong bansa, busy na masyado ang mga kagawaran sa paghahanda sa kanilang mga kahalili sa paglilingkod. Kung ang mga outgoing ay ngarag na sa pagbigay ng magandang turn over, ang mga incoming naman ay pursigido sa paghahanda para sa bago nilang hahawakang panunungkulan.

Nauulit ang eksenang ito sa Executive at Legislative Departments, lalo na sa iba’t ibang local governments sa buong kapulungan. Kung sa mga huling araw ng kampanya ay pinapakyaw ang sharpie pens sa mga bookstores ng mga naniniguro, ngayon nama’y bentang-benta ang mga paper shredder dahil sa mga mabilisang pagbura ng ebidensiyang magagamit laban sa nakaupo.

Sa mga departments na pamumunuan ng mga comebacking na naglingkod, review na lang ang kailangan gawin at, siyempre, ang magbuo ng kani-kanilang team. Kahit serbisyo sibil ang gobyerno at kailangan mong makibagay sa mga taong nakapuwesto nang permanente, pagdating sa sarili mong internal office at sa pagtalaga ng mga heads of offices, mayroon kang diskresyon. Kung kaya hindi lamang ang mga appointees ni President elect Duterte ang excited, maging ang kanilang mga tauhan ay excited din.

Isa ito sa mga katangian ng isang demokrasya na siya namang nagbibigay tibay sa bansa. Sa mga political positions, walang naglilingkod ng habang buhay. Maximum of 6 years sa Executive, 9 years sa House at 12 years sa Senado. Kung humigit pa rito ay magkakaroon ng tendency na magkamal na ng kapangyarihan. Tanging ang non-political branch of government, ang Judiciary ang exempt sa ganitong periodic na pagpupurga. Ito nama’y sinadya rin nang mailayo ang paghusga ng mga mahistrado sa maruming mundo ng pulitika.

Hindi rin naman mailalayo nang husto ang Judiciary sa political process dahil ang Presidente pa rin ang magtata­laga ng lahat ng huwes at mahistrado, kasama na ang 11 na puwesto sa Korte Suprema na mababakante sa ilalim ng Duterte presidency. Pero matagal pa iyon – sa December 2016 pa ang pinakamaaga. Sa ngayon ay paghandaan muna nating tanggapin ang bagong team ni President elect Duterte ay bigyan ng nararapat na suporta.

Show comments