^

PSN Opinyon

‘5-6’ at video karera

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

“BANTAY kayo, pag-upo na pag-upo ko!” Ito ang mabigat na banta ni incoming President Rodrigo Duterte sa mga Indian national  kaugnay sa illegal na aktibidades nilang “5-6”. Nakahanda umano na kausapin ni President Rody ang Ambassador ng India na si Lalduhthlana Ralte upang patigilin na ang malawakang panghaharibas sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pautang na “5-6’’.  At oras umano na hindi tumigil ang mga ito hindi rin siya mangingiming ipadeport ang mga ito.

Mukhang may katuwiran si President Rody dahil wala namang binabayaran na tax ang mga Bombay na nagpapautang ng ‘‘5-6’’. Ngunit may pakiusap naman itong aking mga suking tindera sa bangketa kay President Rody na kung maari ay tulungan sila na makapangutang ng puhunan na maliit lamang ang interest upang maipagpatuloy nila ang kanilang hanapbuhay.

Kung sabagay kung nakayanan nga ng Aquino Admi­nistration na suportahan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng 4Ps na hinuhukay sa kaban ng bayan, ito pa kayang puhunan na uutangin ng mga malilit nating kababayan na babayaran naman na may interest. Sigurado na maisasalba ni President Rody sa pagkagutom ang ating mga maliliit na tindera kahit na mawala pa itong ‘‘5-6’’ ng Bombay. Hehehe! Di ba mga suki?

Samantala marami ang nasindak at natuwa sa binita­wang salita ni President Rody dahil mukhang hindi lamang mga Bombay ang tinutukoy rito kundi pati mga smuggler, hoodlum, street crime offenders at siyempre drug syndicates na matagal ng naglulungga sa lipunan. Bilang na ang kanilang oras dahil kung sa Davao City nangupite ang mga sindikato at kriminal ngayon pa na hawak na lahat ni President Rody ang kapangyarihan sa buong Pinas.

Kaya sa mga suki ko na lumihis ng landas, mag-isip-isip na kayo ng maaga at magbago dahil matatappos na ang inyong pamamayagpag. Ang lahat naman ng kasamaan ay may hangganan  na tanging si President Rody lamang ang makagagawa nito. Kaya naman kaming mga mamamahayag ay magiging intrumento sa pagbubulgar ng mga kasamaan sa lipunan.

Katulad na lamang nitong matagal ng pamamayagpag ng salot na video karera/fruit game machines sa halos lahat ng sulok sa Metro Manila na hindi inaaksyunan ng pulisya. Ito kasing mga salot na makina ay nakakasira sa pag-aaral ng mga kabataan dahil dito nauubos ang kanilang barya-baryang baon. Bukod sa nagiging tulala ang mga kabataan sa paglalaro dito rin sila natututo at nabubulid sa pagsinghot ng droga o shabu. Kasi nga ang salot na makina ay mga front lamang ng drug pushers dahil  ito ang trip ng mga adik.

Madali namang matunton ito kung gugustuhin ng pulisya dahil kadalasan inilalagay ito sa mga squatters area o sa mga masusukal na kabahayan. Marami na ring mga pulis ang nasasangkot dito dahil madali itong pagkakakitaan ng datung. Kaya ang panawagan ng aking mga kausap na mga magulang, ikumpas ni President Rody ang kamay na bakal sa pagsawata at pagwasak sa mga salot na makina.  Kaya mga suki, mag-antabay lamang tayo ng ilang buwan at mawawalis lahat iyan. Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with