^

PSN Opinyon

Gentle reminder sa mga botante

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

BUKAS ay election na. Dadagsa ang mga tao sa mga voting precinct upang ihalal ang kanilang napipisil na kandidato.

Kaya isang gentle reminder sa lahat ng mga botante na maging matalino, mapanuri at huwag basta maniwala sa mga impormasyong natatanggap, nababasa at naririnig. Makakabuti na magsagawa ng personal na pananaliksik upang malaman ang katotohanan mula sa kasinungalingan at mga kathang-isip lamang.

Lalo na ngayong mabilis na kumalat ang impormasyon sa social media – isang click, isang like lamang ay maaa-ring mag-viral ang mga online posts – totoo man o hindi – at mababasa ng maraming tao. Paalala ko sa lahat ng netizens na maging responsable at maging kritikal sa pagpapakalat ng impormasyon sa cyberspace.

Isang magandang halimbawa ay ang pagpapakalat ng isang kandidato sa Lungsod ng Maynila na diumano ay binawasan ang budget ng mga pampublikong hospital at maging mga paaralan.

Ito ay pawang kasinungalingan. Makikita natin sa taunang budget na ipinasa ng Manila City Council, na hindi binawasan ang pondo, bagkus ay taun-taon ay tinaasan ang inilaang budget para sa mga pagamutan upang mapaganda’t maging moderno ang bawat pampublikong ospital sa Maynila. Ganoon din ang ginawa ng Manila City Council na naglaan ng malaking pondo para sa mga pampublikong paaralan.

Ang isa pang halimbawa ay ang ipinagmamalaki ng isang kandidato na siya umano ang nagpagawa ng anim na ospital sa bawat distrito ng Maynila. Muli ito ay pawang kasinungalingan dahil kung susuriin ang kasaysayan ng bawat pagamutan, tila clear water ang katotohanan.

Ang Ospital ng Tondo ay ipinatayo ni dating Mayor Mel Lopez. Ang Ospital ng Sampaloc naman ay ipinatayo ni dating Mayor Ramon Bagatsing. Ang Ospital ng Maynila ay naipatayo sa panahon ng termino nina dating Mayor Arsenio Lacson at Gat Antonio Villegas. Ang Justice Jose Abad Santos Mother and Child General Hospital naman ay produkto ng kasunduan ng Maynila at Megaworld Corporation noong panahon ni dating Mayor Lito Atienza.

Mayroon tayong kasabihan na ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Kaya mabuting maging mapanuri tayo sa mga kandidato bago ilagay ang pangalan ng ating mga napupusuan na maglilingkod ng buong katapatan para sa bayan, at higit sa lahat sa masang Pilipino.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with