^

PSN Opinyon

Shabu sa Ayala-Alabang

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATINDI itong mga accomplishment na pinamamalas ng National Capital Region Police Office-Regional Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group. Mantakin n’yo mga suki, nakuhang amuyin ng mga matitikas na tauhan ni NCRPO director Joel Pagdilao ang shabu laboratory sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City. Ayon dito sa ka­usap ko, ang usapan ay kilong shabu lamang ang kanilang transaksyon. Ito ang naging ugat upang makadikit ang mga tauhan ni Pagdilao dakong ala-1:15 ng madaling araw sa bisinidad ng villages hanggang matukoy ang source ng droga sa 325 Tamarind Drive kaya nang pasukin naging positibo ang operasyon. Nakumpiska nila ang 55 kilong shabu na may street value P275 million. Nakumpiska rin ang mga aparato  at mga kemikal sa paggawa ng droga kaya walang kawala ang tatlong Taiwanese na sina  Pong Jung, 19, Chen Hu Min, 27, at Eugene Chong.

Noong hatinggabi ng Abril 22, nakakumpiska rin ng 20 kilong shabu ang mga tauhan din ni Pagdilao na nagkakahalaga ng P100 million. Hindi nakapalag ang pitong tao na kinabibilangan nina Ruel Balacuit at asawang Fe, James Lumpong, Samia Sultan, Akmad Bato, Rhoniel Balacuit at isang menor-de-edad na babae nang abutin ang P5 mil­yon na boodle money sa parking lot sa kanto ng Timog at Tomas Morato Extention, Barangay South Triangle, Quezon City. Maging ang dalawang kotse ng mga suspek ay dinala ng mga tauhan ni Pagdilao sa NCRPO sa Camp Ricardo Papa, Taguig City. Patunay lamang ito na lalong pinalalawak ng drug syndicate ang kanilang operasyon subalit hindi ito nakalulusot sa pang-amoy ng mga tauhan ni Pagdilao, hehehe! Ito ang bunga ng Lambat Sibat ni da­ting DILG Sec. Mar Roxas na ipinasa kay Sec. Mel Senen Sarmiento. Matagal nang pinaiiral ito sa administrasyon ni Pres. Noynoy Aquino na pumilay sa drug syndicates.

Kasi puro gawa at hindi salita ang Lambat Sibat ni Mar Roxas. Kaya tuloy maging itong Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region ay kabilang din sa hinahangaan ko bukod sa Quezon City Police District. Kasi nitong nagdaang Linggo lamang ay nakalambat na naman ang mga tauhan ni SSupt. Ronald Lee ng siyam na kilong shabu sa Malate, Manila. Ayon kay Lee matagal nang nakikipagtransakyon ang kanyang mga tauhan kay Norman Hung Wang, isang Chinese national kaya nang magkasarahan ng bentahan doon na nila pinosasan ang suspek. Malaking pilay ito sa mga adik dahil natumbok na naman ang kanilang source. Ngunit hindi dapat maging lampa ang kapulisan sapagkat marami pang droga ang nakaimbak sa Metro Manila na hindi natutungkab nina Pagdilao at Lee. Kaya hamon ko sa PNP at PDEA pag-ibayuhin n’yo pa ang paglambat sa mga salot na drug traffickers nang matigil na ang pagkagumon ng mamamayan. Get n’yo mga Sir? Abangan!

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with