^

PSN Opinyon

Palaban si Leni

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MALUMANAY subalit palaban na si Rep. Leni Robredo ng makipagtagisan ito sa isinagawang Vice Presidential debate kamakalawa ng gabi sa University of Sto. Tomas. Maaring sabihin na si Leni ang may “K” na ipaglaban ang farmers at hindi pang publicity. Ayon kay Leni sa  imbestigasyon kaugnay ng marahas na dispersal sa libu-libong magsasaka na nagrali sa Kidapawan City, hindi dapat kalimutan at mas nararapat na tutukan ang tunay na dahilan ng inilunsad na protesta ng mga magsasaka --- ang pagkagutom dahil sa kawalan ng aanihin bunsod ng epekto ng El Niño. Para kay Leni, sa halip umano na magsisihan, mas mainam na magtulungan na lamang muna para matugunan ang tunay na ugat ng problema.

“Ang pinakabuod na problema ay marami na tayong kababayan sa Mindanao at malamang sa iba pang mga lugar ng bansa, na naghihirap at nagugutom dahil sa El Niño. Hinihingi natin sa ating pamahalaan na agad-agad tukuyin ang mga lugar na ito at hanapan ng solu­s­yon, tulad ng pagpadala ng bigas at relief goods, cloud seeding­ at sa nangangailangan pa, ang irigasyon.” Si Leni ay dating naging bahagi ng non-government group na Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (Saligan) na nagbigay ng libreng legal assistance sa mga Sumilao Farmers na nagmartsa patungo ng Metro Manila mula sa Mindanao para hilinging pigilan na ma-convert ang 147-ektaryang lupain sa kanilang lugar patungong hog farm.

Naging matagumpay ang legal na laban ng mga nasabing magsasaka katuwang ang Saligan na kinabibilangan ni Leni makaraang ipawalambisa ni dating President Gloria Arroyo ang conversion order sa lupain na naging dahilan para maibalik ang land ownership sa 55 miyembro ng Higaonon tribe farmers o Sumilao farmer. Determinado si Leni na bitbitin at ilaban sa pagpasok niya sa pulitika at pagsabak sa vice presidential race ang mga magsasaka para maituloy ang nasimulan nila ng kanyang asawang si Secretary Jesse. Katunayan, kasama sa mga isinusulong niyang panukala ay ang pagbuo sa Agrarian Reform Commission na ang layunin ay imbestigahan ang pagpapaikot at paglabag sa Comprehensive Agrarian Reform Law.

Ipinursige rin niya bilang flagship program ang Partnership against Hunger and Poverty Program sa Third District ng Camarines Sur , kung saan 13 grupo ng mga magsasaka ang kanilang katuwang. Kaugnay ng problema ng mga magsasaka sa Mindanao na dumaranas na ng gutom, mahalaga umano na manguna sa paghahanap ng solusyon ang DSWD at lokal na pamahalaan. Para kay Leni, gaya ng paniniwala ng kanyang asawang si Jesse, mahalaga na sa grassroots level pa lamang ay masolusyunan na ang mga hamon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with