^

PSN Opinyon

Women Power ngayong Buwan ng mga Kababaihan

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG Marso ay tinaguriang Women’s Month. Ito ay isang magandang pagkakataon upang mapag-usapan ang mahahalagang isyu ng mga kababaihan – sa aspeto ng kalusugan, pakikibahagi sa pamamahala, at ang pagsusulong ng pantay na karapatan ng lahat. 

Ang pagdiriwang na ito ay bunsod ng Proclamation 227 ni dating Pres. Cory Aquino noong 1988, na nagtatalaga sa buwan ng Marso bilang “Women’s Role in History Month.” Ito ay bilang pagkilala sa makabuluhang papel ng mga kababaihan sa paghubog ng ating kasaysayan. Bukod dito, itinalaga naman ang petsang Marso 8 bilang National Women’s Day at Women’s Rights and International Peace Day. Ang mga pagdiriwang na ito ay nagpapatibay sa pagbibigay halaga ng pamahalaan sa sektor ng mga kababa­ihan at hangarin nito na mabigyang kasagutan ang mga isyu na kanilang kinakaharap. 

Kamakailan, ibinalita na isa ang Pilipinas, kasama ang Russia, sa mga bansang may pinakamaraming babaeng lider sa larangan ng negosyo. Ayon sa ulat, mala­king bahagi ng mga senior management positions at matataas na puwesto sa mga pribadong kumpanya sa Pilipinas ang inoo­kupa sa kasalukuyan ng mga babae. 

Magandang indikasyon ito sa ating bansa na nagkakaroon ng pantay na pagkakataon ang babae at lalaki – hindi lamang sa edukasyon, trabaho, kundi sa kaka­yanang huma­wak ng matataas na puwesto sa komunidad. Kung dati ay ni hindi man lamang pinapayagang bumoto at makapag-aral ang mga kababaihan dahil iti­nuturing na mababang uri at nararapat lamang sa loob ng tahanan, ngayon ay nababago na ang persepsyon.

Bukod sa larangan ng negosyo ay maraming matataas na puwesto na sa pamahalaan ang hinawakan ng babae. Dalawang babae na ang naging Pangulo ng bansa. Ngayon ay mayroon tayong kauna-unahang babaing Punong Mahistrado ng Korte Suprema. 

Sa Senado naman ay mayroong anim na nakaupong babaing mambabatas. Mula nang mahalal si Sen. Geronima Pecson sa Senado noong 1947 bilang kauna-unahang babaing senador, 20 babae na ang nahalal bilang senadora sa kasaysayan. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with