^

PSN Opinyon

Tatlong-dekada matapos ang EDSA

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SI Sen. Juan Ponce Enrile, ano man ang pananaw ng tao sa kanya ngayon ay hindi maitatatwang isa sa mga pangunahing bayani ng 1986 EDSA People Power­ Revolution. Ganyan din sina dating Presidente Fidel Ramos at Sen. Gregorio Honasan.

Sa kainitan ng himagsikang ito na nagpatalsik sa tinatawag na diktador na si Ferdinand Marcos, inakala ng maraming mamamayan na ito na ang magiging kapalit ng Araw ng Kalayaan na ipinagdiriwang tuwing Hunyo 12. Sa unang ilang taon ay naging mas bongga ang pagdiriwang kaysa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. Pero kapansin-pansin na sa paglipas ng mga taon, naglaho ang dating init ng pagdiriwang. Kakaunti na lang mga nagsisidalo.

Totoo nga yata ang kasabihan na masyadong maigsi ang memorya ng mga Pilipino. Madaling makalimot at madaling magpatawad. Sa pananaw ni Enrile, ang diwa ng EDSA ay “naglahong parang bula.”

Noon pa mang araw ay alam ko na magkakaroon ng mga radikal na pagbabago sa kahulugan ng pagdiriwang na ito ng EDSA na muling gugunitain sa Pebrero 25. Malaki na ang bilang ng mga taong nakakaunawa sa EDSA ang pumanaw na at marahan ding nabubura sa isip ng mga mamamayan ang mga sinasabing pagmamalabis at karahasan ng nagdaang rehimeng Marcos. Ang pagiging pangalawa ni Sen. Bongbong Marcos sa survey para sa mga vice presidentiables ay patunay na ang maraming mamamayan ay wala nang galit kay Marcos at sa kanyang pamilya.

Isa si Enrile sa mga matatawag na haligi ng EDSA Revolution na nagpatalsik sa puwesto kay Marcos. Para kay Enrile, hindi dapat ipagdiwang tuwing Pebrero 25 ang Edsa Revolution kundi tuwing Pebrero 22 kung  kailan umano nila itinaya ang kanilang buhay sa paglaban kay Marcos.

Gugunitain ngayong Pebrero 25 ang ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power I pero hindi tiyak ni Enrile kung kabilang siya sa mga iimbitahan sa selebrasyon.

ANG

ARAW

BONGBONG MARCOS

EDSA

EDSA REVOLUTION

ENRILE

FERDINAND MARCOS

GREGORIO HONASAN

JUAN PONCE ENRILE

MGA

PEBRERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with