^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Noon: ‘Laglag-bala’ Ngayon: ‘Laglag-kisame’

Pilipino Star Ngayon

HINDI pa ganap na nalilimutan ang “laglag-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayon ay may iba na namang isyu – “laglag-kisame” naman. Mas matindi itong “laglag-kisame” sapagkat buhay ang nakataya. Kung nasapol ang dayuhang binagsakan ng 3x7 meters na kisame, maaaring namatay siya.

Kahiya-hiya na naman sana ang NAIA kung may nangyaring malubha o namatay ang American na si Day Adam Warner, 30. Si Warner at kanyang pamilya ay paalis na ng bansa noong Huwebes makaraang bumisita sa bansa.

Panatag na kumakain sa Sweet Ideas restaurant na nasa Terminal 3 departure dakong alas-siyete ng umaga ang mag-anak na Warner nang bumagsak ang gypsum board na kisame sa mismong kinauupuan ni Day Adam. Tinamaan ang kanyang braso at nasugatan iyon. Kung hindi nakailag, maaaring ulo niya ang tinamaan. Mabuti at hindi rin tinamaan ang kanyang asawa at anak. Ginamot ng doctor ang sugat ni Warner. Nakaalis sila dakong 10:00 ng umaga.

Nadagdagan na naman ang batik na nakakulapol sa NAIA. Nabahiran na nga ng kontrobersiya sa “laglag-bala” ay may panibago na namang isyu. Ang pangyayari sa “laglag-kisame” sa NAIA ay tiyak na maisasama na naman sa isinasagawang pagboto ng travel website para sa mga pipiliing pinaka-da best airport sa mundo. Tiyak, maaaring kabilang na naman ang NAIA na ibobotong pinaka-worst airport.

Laging nirereklamo ang NAIA dahil sa masamang serbisyo, walang tubig sa comfort rooms, marumi ang sahig, kulang ang mga signage, walang upuan, masyadong crowded, kulang ang signages, walang 24-hour food service, marumi ang mga sahig, comfort rooms, unfriendly ang mga airport staff, mababagsik ang immigration officers at ang mga pagnanakaw sa mga alahas, pabango, at relo sa bagahe ng pasahero. Nagkaroon na rin ng insidente ng pamamaril sa NAIA at may napatay.

Kailan magkakaroon ng pagbabago sa NAIA? Kailan masisiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. Nakakahiya kung lagi nang may nangyayaring kapalpakan sa NAIA at apektado ang mga pasahero. Magkaroon na sana ng pagbabago sa NAIA.

ACIRC

ANG

DAY ADAM

DAY ADAM WARNER

GINAMOT

KAILAN

MGA

NAIA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SI WARNER

SWEET IDEAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with