MASAKIT para sa isang foundling tulad ng nangyari sa anak ng Panday ang pinagdaraanan niya ngayon mapait na karanasan hindi lang sa mga nakabimbin mga petisyon sa Supreme Court kundi ang mga pangyayari sa kanyang buhay bilang isang ‘pulot’ na inabandona ng ermat niya sa isang simbahan sa Jaro, Iloilo noong September 3, 1968.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ganito kalupit ang tadhana sa buhay ni Senator Grace Poe ang gamitin laban sa kanya ang sirkumstansiya ng kanyang kapanganakan. Hindi kasalanan ni Grace na abandonahin siya ng kanyang ermat at iwan ito ng nakahandusay at nag-iiyak sa isang lugar sa may simbahan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pinakamasama pa ay nagagamit ang kanyang isyung ‘foundling’ para hadlangan ang masasabi niyang mabuting hangarin na tulungan at paglingkuran ang madlang people bilang pulitiko o bilang Pangulo ng Philippines my Philippines.
Ika nga, sangkaterbang isyung nabuksan at lumabas sa kasong ito ni Grace, at sa ating palagay ay napakahalaga na masuring mabuti. Ang kaso ni Poe ay hindi lang kaso ng isang pulot na nagnanais na tumakbo bilang presidente ng Philippines my Philipines.
‘Ang kaso ni Poe ay laban ng lahat ng batang inabandona at napulot kung saang basurahan, palikuran, tabing-daan o kung saan mang napiling pag-iwanan ng kanyang ermat na sa kung anumang mahirap na sitwasyon ay napilitang abandonahin ang kanyang supling.’ sabi ng kuwagong taga - DSWD.
Bukod sa magiging epekto sa mga pulot ng magiging hatol ng Korte Suprema, nauungkat din ang isyu ng kung paano nga ba dapat na ipaliwanag o bigyang katuturan ang ating batas? Dapat ba na bigyang katuturan ito batay sa literal na sinasabi nito, o dapat itong bigyang paliwanag batay sa umiiral na sirkumstansya at hinihingi ng katarungan?
Sabi nga, ng Quality of Laws Institute na nakabase sa California, USA: “In a democracy, the ultimate purpose of laws is to solve or mitigate the societal problems that degrade or threaten to degrade the liberty and well-being of the people, i.e., the “public good.”
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aminado ang Quality of Laws Institute, na dahil ang mga batas ay likha ng tao, may mga pagkakataon na may butas ang batas.
“Laws are the product of human creative efforts and are therefore fallible. They may fail in their objective as a result of design defects or become outmoded. They may also incur excessive costs or produce unacceptable side effects. Fortunately, laws, like every other human-made product, may be improved by design changes (amendments) and they may be repealed when they are found to be less than useful,” bida ng nasabing pribadong institusyon na nagsusulong ng pagpapaunlad ng demokrasya at pamamahala.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nila sinasabing dapat paboran ng SC si Poe. Dapat gamitin ang pinakapuso at kaluluwa ng batas, maging ng Konstitusyon man o kung anumang batas na umiiral sa atin, at ito ay itaguyod ang kapakanan ng nakararami at hindi ito magamit para sikilin ang karapatan at kalayaan ng sinuman, lalo na ng sektor sa ating lipunan na masasabi nating dehado dahil sa sirkumstansyang kanilang kinapapalooban.
Abangan.
Si Atty. Biyong Garing at ang Anti-Red Tape Act
NASUNGKIT ni Atty. Silverio ‘Biyong’ Garing at mga empleado nito sa Registry of Deeds, Muntinlupa City, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa isang tanggapan ng gobierno ng Civil Service Commission ang ‘Anti-Red Tape Act’ report card with matching rating na 95.30%, ay highest among all registries of Deed in the entire Philippines my Philippines.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ARTA Report Card, na ipagkakaloob sa Lunes ng mga kinatawan ng CSC sa Registration Authority Central Office, sa Kyusi, para sa ika-113 anniversary ng tanggapan.
‘Hindi biro ang ARTA Report Card ng CSC dahil lumalabas na walang ‘kurap’ sa opisina ni Atty. Biyong Garing.’ Sabi ng kuwagong taga - Human Rights Commission.
Binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Muntinlupa City Register of Deeds sa pangyayaring ito....
Sabi nga, keep it up!