Si Mayor Gatchalian vs. shabu

BINIRA ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang Bureau of Customs dahil mukhang maluwag ang mga ito sa mga epektos na pumapasok sa Philippines my Philippines kaya naman nakakalusot ito tulad ng P180 million halaga ng shabu na nahuli sa kanyang nasasakupan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat tiktikan mabuti ng bureau ang drug smuggling operation hindi dapat sila patulug-tulog sa pansitan porke napakalaki ng intelligence fund nila. Mabuti na lamang at nahuli ang shabu shipment kung hindi ilang madlang pinoy ang mabibiktima, masisira ang ulo, magagahasa, mapapatay at mawawasak na pamilya sa paggamit nang droga?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hi-tech ang operasyon ng sindikato ng droga kaya dapat hindi nagpapabaya o pumapatong ang mga tiwaling taga - bureau dito.

‘International syndicate sa tulong ng mga gagong madlang pinoy pushers ang nagpapatakbo, nagtutulak at nagpapakalat ng illegal drugs kaya dapat lang na ibalik ang ‘death penalty’ para lamang ito sa mga foreigners na mahuhuling sangkot sa ipinagbabawal na gamot o nagdala nito. ‘ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Kambiyo issue, nanawagan si Gatchalian sa madlang people lalo’t sa mga constituents nito sa Valenzuela na magmanman at ituro ang operasyon ng drug syndicate sa mga autoridad at huwag matakot para masugpo at hindi na malagay sa kapahamakan ang madlang people.

Abangan.

Ang bagong gago este mali bagon pala ng MRT 3

IPINAGMALAKI ng mga bright sa DOTC, the other week na dumating at inasembol na ang mga bagong bagoong este mali bagon pala na inorder nila sa China para gamitin sa West Philippines este mali para maginhawaan at maging maayos pala ang serbisyo nito sa madlang public na sumasakay sa MRT 3 everyday and holidays.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinagmalaki ni DOTC Secretary Jun Abaya, na maganda at malaki ang difference sa mga ginagamit na bagon ng MRT 3 dahil sa mga aberyang dulot nito kaya naman ang ‘made in China’ tren ay hinangaan nang mga ito?

Sabi nga, magbibigay daw ito ng kombinyente, ginhawa at mahusay na serbisyo sa publiko sa oras na gagamitin na ito ng MRT-3?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibinida ni Abaya aabot daw sa 540,000 na pasahero ng MRT-3 ang kayang isakay kapag peak hours?

Sana nga!

Tanong - paano nga pala ang mga lumang riles na dadaanan ng bagong tren?

Abangan.

Don Ramon Ignacio, 60

BINABATI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng advance Happy Birthday si Don Ramon ang pilantropo ng Valenzuela City, na tumutulong sa mga mahihirap at mga na­ngangailangan ng kalinga.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Feb. 6, 2016, ang araw ng kaarawan ni Don Ramon pero may kumpormiso ito sa kanyang mga brethren sa Laong Laan Masonic Lodge 185 kaya iniurong nito ng Linggo (Feb.7) ang kanyang birthday party.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang napakalaking lugar dyan sa may Baler St., Kyusi, ang inarkila ni Don Ramon para magkasiya ang lahat ng mga bisita nito kaya naman para sa mga hindi makakapuntang mga kaibigan, mapa-bata o matanda, tomboy o bakla, may sayad o wala, pipi, bingi o bulag sa Feb. 7, ay magsisisi ng buong isang taon dahil hindi biro ang mga inihanda nito para sa mga dadalo bukod pa sa mga regalong siya mismo ang magbibigay para sa mga kaibigan.

Ipinaalala ni Don Ramon, sa mga dadalo niyang mga bisita na huwag nang magdala ng mga paper bag o plastic para lagyan o mag-uwi ng pagkain dahil inihanda na niya ito lahat para sa mga pupunta.

Ika nga, gayak na kayo!

Abangan.

Show comments