^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Unahin ng PCSO ang walang-wala

Pilipino Star Ngayon

NAKASAAD sa charter ng Philippine Charity­ Sweepstakes Office (PCSO) na prayoridad nilang tulungan ang mga taong walang magastos o maibayad para sa kanilang medical bills. Sila yung mga taong walang tutulong para sa kanilang gastusin sa pagpapagamot. Kabilang sa mga taong­ ito ang mga tinatawag na indigent o ang mga walang-wala o dukhang-dukha. Sila ang dapat unahing tulungan ng PCSO.

Pero hindi ganito ang nangyayari sa PCSO batay sa natuklasan ng mga kongresista. Mga maya­yaman at may kakayahang magbayad sa ospital ang inuunang aprubahan ng PCSO. Milyong piso ang ipinagkakaloob sa mga mayayamang pas­yente na nasa mamamahaling ospital samantalang ka­rampot na subsidy ang pinagkakaloob sa mga mahihirap na pasyente o ang mga walang-walang pampaospital. At ayon pa sa report, matagal pa ang pagproseso ng karampot na ipinagkakaloob ng PCSO sa mga maralitang maysakit.

Ang ganitong pamamalakad sa PCSO ang naging dahilan kaya nagpatawag ng hearing ang Kongreso. Ayon sa games and amusement committee na pinamumunuan ni Cavite Rep., Elpidio Barzaga Jr. dapat maging totoo ang PCSO sa hangarin nitong ang unang tutulungan ay ang mga maralita na walang kakayahang magbayad sa kanilang pag­papagamot.

Pinangaralan ni Barzaga si PCSO General Ma­nager Jose Ferdinand Roxas tungkol sa nangya­yaring “palakasan” sa ahensiya. Marami sa mga kongresista ang nagsabing kaya nilikha ang PCSO ay para matulungan ang mga maralita at hindi ang mga nakaririwasa sa buhay. Hindi raw dapat unahin ng PCSO ang mga mayayamang pasyente.

Sabi naman ni Roxas, wala raw diskriminasyon sa pagbibigay ng medical benefits. Lahat daw ay kanilang tinutulungan para sa medical assistants.

Dapat palawigin pa ang pag-iimbestiga ng mga mambabatas sa mga nangyayari sa PCSO. Noon pa, marami nang nagrereklamo na ilang araw sila sa pagpila sa PCSO para makahingi ng tulong na kakarampot. Malaki ang paniwala nilang may “pala­kasan” sa ahensiya. Kailangan pang mahalukay ang usaping ito.

ACIRC

ANG

CAVITE REP

ELPIDIO BARZAGA JR.

GENERAL MA

JOSE FERDINAND ROXAS

MGA

PCSO

PHILIPPINE CHARITY

SHY

SILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with