^

PSN Opinyon

“Biglang lago, biglang laho”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

WALANG BENTAHAN, walang pagre-recruit pero kikita sa dalawang buwan ang pera mo! Ang tubo nito 30% hanggang 35%.

Ganito ang pang-engganyo nilang salita kaya naman nahahakot nila ang ating mga kababayan para sumali sa kanilang negosyo.

“Pinakitaan nila kami ng mga papel para patunayan na legal sila. Kompleto sila sa lahat ng permits at dokumento kaya napapaniwala nila ako,” ayon kay Frietzie.

Mayo 2015 nang may kumalat na balitang ‘scam’ umano ang gustong pasukan ni Frietzie Seno na Hyper Program International (HPI) Direct Sales and Trading Corporation. Hindi na sana siya sasali ngunit ayon sa kanyang nakausap ay may hindi lang daw pagkakaintindihan ang Securities and Exchange Commission (SEC) at ang HPI.

“Inaayos na raw ng abogado ng HPI ang problemang yun. Nagpa-meeting pa sila at may mga ipinakita silang mga dokumento para patunayan na maayos ang kompanya at legal ito,” salaysay ni Frietzie.

Nahikayat nang maging miyembro si Frietzie noong Hunyo 19, 2015. Kwento niya taong 2014 pa lang may mga kasama na siya sa opisina na sumali sa HPI.

Dalawa sila sa opisina ang nagpamiyembro nung Hunyo. Sabi sa kanila makalipas ang 50 hanggang 60 na araw kikita na ang perang ipapasok nila.

“May mga produkto silang pampaganda. Facial Mask, Collagen Coffee, Gluta at sabon. Depende raw sa ‘min kung gagamitin o ibebenta namin ang mga produkto,” ayon kay Frietzie.

Paliwanag pa sa kanila kapag nakapagpasok sila bawat account ay magkakaroon sila ng kwarenta pesos. May rebate raw ito.

Ang kabuuang halaga na naipasok ni Frietzie ay Php13, 650 habang ang kasama niya ay umabot ng Php99,000.

Nung walang nakuhang interes sina Frietzie nagpaliwanag naman sa kanila ang HPI. Nagkaroon daw ng problema sa IT personnel at ninakawan daw sila.

“Inayos nila ang system. Maghintay lang daw kami,” sabi ni Frietzie.

Sa rami na ng nagkakaproblema sa HPI meron daw abogado sa HPI na tumatao sa opisina para sa mga gustong ‘mag-pull-out’ ng kanilang account. Puro maghintay lang ang isinasagot sa kanila.

“Marami nang naging miyembro nito. May mga estudyante at ang iba ay OFW pa,” sabi ni Frietzie.

Hindi raw nila nakaharap mismo ang Chairman ng HPI na si Darlito dela Cruz, Presidente nitong si Ashley Ablan at VP Administration Ian Manguera. Puro lang daw mga ‘uplines’ ang nakakausap nila.

Ilang buwan na silang naghihintay pero wala pa rin ang inaabangan nilang kita. Inilipat naman daw sila sa ‘Business Icon Premier na ‘sister company’ ng HPI.

Sa kahihintay nina Frietzie unti-unti nang naglaho ang mga nagpapatakbo nito at ilang lider. Nakikibalita na lang sila sa mga kasamahan. May mga nagreklamo na sa National Bureau of Investigation (NBI) ngunit hanggang ngayon ay wala pa daw nangyayari.

“Mahigit dalawang daan na ang nagrereklamo pero parang wala pa rin. Sa halos buong Pilipinas may mga miyembro sila. Para kaming nasa ere na hindi namin alam kung ano ang solusyon sa problema namin,” salaysay ni Frietzie.

Sa ngayon wala nang nakikipag-ugnayan sa kanila mula sa mga nagpapalakad kaya gumawa na lamang sila ng isang grupo sa Facebook (FB) na mga miyembro ng HPI para makibalita sa isa’t-isa.

Wala silang natanggap na kita at itinakbo lang ang kanilang pera. Hiling nina Frietzie kahit sana ang kapital na inilabas nila ang maibalik at hindi na ang ipinangakong interes.

“Wala kaming malapitan, hindi namin alam kung saan kami hihingi ng tulong. May nakarating pa sa aming balita na balak umalis ng bansa nung Chairman ng HPI,” wika ni Frietzie.

Kung mangyayari daw ito lalo na silang mawawalan ng pag-asa na mabawi ang kanilang pera at matigil ang ganitong panloloko ng mga tao.

Ilang bilyong piso na raw ang nakuha nito sa mga miyembro pero hindi naman natutupad ang mga ipinangako nila.

May pinapakalat raw ngayong text message na umano’y mula sa Chairman na bigyan siya ng isang taon para ayusin ito. Kung hindi raw sila makakapaghintay desisyon na ng miyembro ns mag-file ng kaso pero papaabutin niya raw ang ‘settlement’ ng sampung taon dahil pinahiya raw ang kanyang dignidad.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nakita namin ang sulat na inilabas mismo ng SEC sa kanilang website tungkol sa HPI. Hindi daw naisyuhan ng secondary license ang HPI para mag-alok sa publiko o magbenta at mag-solicit sa publiko ng investment.

Nanghihikayat ang HPI sa pamamagitan ng social media tulad ng Facebook.

‘The sale of offering for sale or distribution of securities  within the Philippines without a registration statement being filed with approved by Commission in violation of Sections 8 (8.1) and 12 of the Securities Regulation Code (SRC) is punishable with a fine of not less than Php50,000 nor more than 5 million pesos or imprisonment of not less than seven to 21 years’.

Inilabas ito ng SEC noong Mayo 18, 2015.

Sa hirap ng buhay ngayon dapat hindi tayo kaagad naniniwala sa mga kitang madalian dahil siguradong butas pati alkansya ninyo ang kakahantungan ng perang pinaghirapan ninyo.

Kapag ganyang naglabas na ng babala ang ilang ahensya ng gobyerno making tayo at iwasan na ang mga nabanggit na kompanya.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ACIRC

ADMINISTRATION IAN MANGUERA

ALIGN

ANG

FACEBOOK

FRIETZIE

HPI

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with