Prexy bets ‘kaliskisan’
ISANG welcome development ang pagkakalagda ng COMELEC at ng mga TV networks sa kasunduan upang bigyan ng air time ang mga kandidato sa pagkapangulo sa pagdaraos ng nationwide public debate na maguumpisa sa Pebrero.
Sa ganitong paraan ay makikilatis ng mga taumbayan ang agenda ng mga nagnanais maging leader ng bansa. Malalaman din kung sino ang tunay na marunong at nagdudunung-dunungan.
Nanguna si Comelec chairman Andres Bautista sa paglalagda ng MOA sa Palacio del Gobernador na dinaluhan ng mga kinatawan ng TV network, print media at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Sana naman, may ganyan ding arrangement sa local level para ang mga kababayan natin ay magkaroon din ng tsansang kaliskisan ang mga tumatakbo for governor, mayor at iba pa.
Mahahati sa tatlong uri ng diskusyon ang gagamitin sa balitaktakan ng mga kandidato. Ang magsisilbing pilot area ng debate ay ang Mindanao na idaraos sa Pebrero 21, 2016. Pag-uusapan ang posisyon ng mga kandidato sa matinding traffic sa Maynila, electoral at political reforms, foreign policy, tax reform, at national defense. Sa Marso 20 naman ang ikalawang debate sa Visayas na habang ang ikalawang paghaharap naman ay sesentro ang usapin ng disaster preparedness at climate change, kalusugan, edukasyon, at korupsyon sa gobyerno.
Magdaraos din ng vice presidential debate at iyan ay itinakda naman sa Metro Manila sa Abril 10, 2016. Sadyang magandang oportunidad ito para sa mga kandidato upang mailahad nila ang kani-kanilang posisyon sa iba’t ibang usapin.
Aba, wala akong nakikitang dahilan para umayaw dito ang mga kandidato.
- Latest