NAGULANTANG ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng magbangayan at tarayan umano ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon matapos itong magpakita diumano nang kawalang respeto at kabalastugan kay Chairman Andres Bautista at madungisan ang nasabing ahensiya dahil sa girian nangyari kaya mahirap na sigurong mapaniwala o makumbinsi ang madlang public at mga kandidato para sa ‘Secure And Fair elections’ o SAFE sa eleksyon sa Mayo? Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat hindi na nabuyangyang pa sa madlang people ang bangayan siguro pinagusapan na lamang nila ito ng maayos sa kanilang tanggapan dahil mataas ang tingin ng madlang pinoy sa kanilang estado ngayon.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-init ang dalawang panig dahil sa sinaing este mali inihain palang tugon ni Guanzon sa SC tungkol sa usapin disqualification nang anak ng Panday na si presidential candidate Senator Grace Poe, kaya naman binigyan ng memo ni Bautista ang una dahil ibinigay ang comment sa Supreme Court na alaws siyang pirma.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung pumalpak daw si Guanzon na maipaliwanag ang kanyang sinaing este mali inihain pala puede niyang sabihin sa SC na ipawalang bisa ang komentong isinumite dahil dehins pinayagan ng buong Commission en banc.
‘How can the candidates—regardless of elective positions they are running—be assured of a fair treatment when a Comelec commissioner can deride the Comelec chairman in such a brazen and arrogant manner?’ tanong ng kuwagong sanggano. Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinastigo diumano ni Guanzon si bote este mali Bautista pala at sabihan diumano na ‘on the level’ sila kaya alaws itong ‘administrative supervision o control’ sa una.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakahanap ng kakampi si Bautista sa katauhan ni dating COMELEC chairman Sixtor Brillantes sa pagsasabing mas mataas ang ‘chairman’ kaysa sa commissioner!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinagwagwagan diumano ni Guanzon na mas malawig ang karanasan niya sa pagiging ‘trial lawyer’ at alam niya ang kanyang mga ginagawa kaysa kay Bautista?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nanatiling tahimik, professional at ayaw ng pumatol si Bautista sa pangyayari.
Abangan.
Senator Alan Cayetano semplang sa SWS
NAGMISTULANG kawawa si vice presidential candidate Senator Alan Cayetano parang naubos ang ‘suerte’ kasi pirming nananalo ito sa kanyang mga kalaban pero mukhang inaalat na siya mula nang ideklara niyang tatakbo siyang VP sa Philippines my Philippines.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinakahuling SWS survey, last December 12 to 14, naungusan pa si Alan ng mahinang kandidatong kalaban niya si LP Rep. Leni Robredo.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pang-apat si Alan sa puwesto sa pagka- VP, na nakakuha lang ng 17% kumpara sa 19% ni Leni, at 2nd place na. Tabla sina Robredo at Sen. Bongbong Marcos.
Si Chiz pa rin ang bandera.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakalulungkot dahil si Cayetano ay nakakuha last Nov. ng 21% at nitong Dec. ay 17% na lang. Patunay kaya itong galit ang publiko sa epal na politiko?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa survey, sinusundan ngayon si Cayetano ng dalawang kulelat na sina Sen. Gringo Honasan at Sen. Antonio Trillanes.
Tanong - bakit bumaba ang rating ni Cayetano sa SWS sa halip na tumaas? Hindi ba last Nobyembre pa lang ipinagsisigawan na ni Cayetano na siya ang vice presidential running mate ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte?
Sabi nga, ang boto ni Digong ay hindi boto ni Cayetano.
‘Malinaw ang resulta ng SWS, hindi umangat ang rating ni Cayateno sa kabila nang pagdikit niya kay Digong.’ sabi ng kuwagong manghuhula.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Ang pagbaba kaya ng rating ni Cayetano sa SWS ay dahil diumano’y sa pagiging epal niya?
Sabi nga, hindi mahahatak ng popularity ni Digong si Cayetano. At kahit na punuin at palibutan ng tarpaulin nang may pagmumukha ni Cayetano at ni Duterte ang Philippines my Philippines, mukhang hindi na aangat ang rating ng diumano’y epal na senador?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na nagtataka sila kung bakit inaambisyon pa ni Alan na maging vice president ng Philippines my Philippines sa kabila nang hanggang sa 2019 pa naman ang kanyang termino for being a Senator. Lumalabas na kahit na matalo pa siya sa eleksiyon, senador pa rin ito!
Tanong - ano naman kaya ang motibo ng pagtakbo ni Cayetano?
Sagot - campaign contributions kaya?
Naku ha, hindi ako naniniwala riyan, noh!
Abangan.