^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Trapik sa Metro, lulubha pa

Pilipino Star Ngayon

KAHAPON, naranasan na naman (kailan ba hindi) ang grabeng trapik sa Metro Manila. Nag­balikan na ang mga bakasyunista mula sa probinsiya at umpisa na ng trabaho at pasok sa school makaraan ang dalawang linggong break.

Usad pagong na uli ang trapik sa kahabaan ng EDSA. Balik uli ang trapik sa A. Bonifacio, Balin­tawak at Cubao. Nagmistulang parking uli ang Guadalupe, Makati at wala na ring galawan sa Buendia, Osmeña Highway, Taft Avenue at Roxas Boulevard.

Pero hindi pa umano ito ang pinaka-grabeng  trapik na mararanasan ayon sa isang opisyal ng Ame­rican Chamber of Commerce (ACC) of the Philippines.
Ayon kay John Forbes, senior advisor ng ACC, sa 2020 ay lalo pang malubha ang trapik sa Metro­ Manila at dahil sa kalubhaan, hindi na ito ma­a­aring tirahan sapagkat lalo pang darami ang sasakyan. Ayon kay Forbes sa 2020 ay tinatayang madadagdagan ng 500,000 ang mga sasakyan sa Metro Manila. Malaking problema aniya ito ayon kay Forbes kaya nararapat nang gumawa ng hak­bang ang pamahalaan para madagdagan ang mga kalsada at skyway gayundin ang mga riles. Kung hindi magkakaroon ng mga access roads sa bansa, mararanasan ang pinakagrabeng trapik at hindi maaaring tirahan ang Metro Manila.

May katotohanan ang mga pahayag ni Forbes. Ngayon pa lamang ay nakikita na ang katotoha­nan nito sapagkat nararanasan na ng mga moto­rista ang trapik na halos madaling araw na kung makauwi sa kani-kanilang tahanan. Mayroong sa kanilang sasakyan na inaabutan ng unang tilaok ng manok. Walang improvement sa trapik at lalo pang lumubha.

Ipinoste na ang mga Highway Patrol Group (HPG) subalit wala ring pagbabago. Sa mga unang linggo lamang nagkaroon ng bahagyang paglu­luwag pero nang tumagal, balik uli sa dati.

Karagdagang mga kalsada at skyway ang nararapat. Ipatupad sana ito ng mauupong presidente ngayong 2016. Ipatupad din ang pagbabawal sa mga lumang sasakyan na nagdadagdag ng trapik sa Metro Manila.

ACIRC

ANG

AYON

CHAMBER OF COMMERCE

HIGHWAY PATROL GROUP

IPATUPAD

JOHN FORBES

METRO MANILA

MGA

SHY

TRAPIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with