^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Bigyan ng reward, magtuturo sa mga magpapaputok ng baril

Pilipino Star Ngayon

MAYROON na namang namatay na bata dahil sa ligaw na bala. Ang hindi pinangalanang bata, 9-anyos, ay naglalaro malapit sa Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan noong Disyembre 24 nang tamaan ng ligaw na bala. Nakauwi pa ang bata sa kanilang bahay at napansin ng ina na hinang-hina ito at nanlalambot. Nang tingnan ang likod, nakita roon ang maraming dugo. Dinala ang bata sa ospital subalit makalipas ang isang araw ay namatay. Napinsala ang internal organ ng bata. Hawak na ng mga pulis ang balang tumagos sa katawan ng bata at iniimbestigahan na kung sino ang nagpaputok ng baril.

Naulit na naman ang nangyari noong Disyembre 31, 2012 kung saan tinamaan din ng bala ang 7-anyos na si Stephanie Nicole Ella ng Camarin, Caloocan City. Nanonood ng fireworks display si Nicole at mga pinsan nang bigla itong matumba. Nang tingnan ang ulo, mayroong dugo. Isinugod sa East Avenue Medical Center si Nicole subalit namatay din. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nahuhuli ang nakapatay kay Nicole na umano’y isang pulis.

Ilang linggo na ang nakararaan, ipinakita ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) na nilagyan na nila ng tape ang bunganga ng kanilang mga baril para hindi maiputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Maganda ang naisip nila at maaaring gayahin ng iba pang alagad ng batas. Pero kahit hindi na gawin ang paglalagay ng tape, basta matino, responsible at may disi­p­lina ang pulis, hindi siya magpapaputok ng baril sa Bagong Taon sapagkat alam niyang bawal iyon. Hindi na kailangang ibando sa mundo na nilagyan ng tape ang baril.

May isang epektibong paraan para lubusang mapigilan ang mga “trigger happy” sa Bagong Taon. Ito ay ang pagbibigay ng pabuya sa sinu­mang magsusumbong sa mga magpapaputok ng baril. Kapag may pabuya  magiging mabilis ang pagresolba sa kaso. Madaling mahuhuli ang “trigger happy” at tiyak na mapaparusahan sa gina­wang pagpatay. Kapag may pabuyang pera, agad ituturo ang suspect. Ibang mangusap ang pera.

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

CALOOCAN CITY

DISYEMBRE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

IPO DAM

KAPAG

NANG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

STEPHANIE NICOLE ELLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with