^

PSN Opinyon

“Pag-alala kay Rizal”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

HANGGA’T NATATAMASA mo ang kalayaan ng sarili mong bansa hindi mo dapat kalimutan ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para lang sa kapakanan ng susunod na he­nerasyon.

Ngayong araw ay pinagdiriwang natin ang ‘Rizal day’. Ito ay ang paggunita natin sa kamatayan ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Si Jose Protasio Mercado Rizal o mas kilala natin bilang Jose Rizal ay anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonso noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna.

May siyam siyang kapatid na babae at isang kapatid na lalaki. Noong 1849 ay ginamit na ng kanyang pamilya ang apelyidong Rizal matapos iutos ni Governor General Narciso Claveria na kailangan ng mga Pilipino ang Kastilang pangalan para sa census.

Bata pa lamang si Rizal ay nagpakita na siya ng kakaibang talino. Alam niya na ang alpabeto sa edad na tatlo at marunong na siya magsulat sa edad na lima.

Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila ng para makakuha ng ‘land surveyor and assessor’s degree’. Nag-aral din siya ng ‘preparatory course in law’ sa University of Sto. Tomas.

Nang malaman niyang mabubulag ang kanyang ina napagpasyahan niyang kumuha ng medisina at nagpakadalubhasa sa ‘Opthalmology’.

Lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang bumiyahe siya papuntang Madrid, Spain noong May 1882 at nag-aral ng medisina sa Universidad Central de Madrid kung saan nakakuha siya ng degree, Licentiate in Medicine.

Sa edad na bente singko sa Heidelberg nakompleto niya ang pagiging espesyalista sa mata sa ilalim ng kilalang professor na si Otto Becker. Ginamit niya ang bagong imbensyon ni Hermann von Helmholtz na ophthalmoscope para operahan ang mata ng ina.

Nagpipinta, nag-sketch at gumagawa ng sculptures at woodcarving si Jose Rizal. Nagsusulat din siya ng  tula, sanaysay at nobela.

Ilan sa pinakakilalang naisulat niya ay ang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Ito ay tungkol sa mga napuna niya noong panahon ng pa­nanakop ng mga kastila sa ating bansa.

Dito niya idinaan ang pagbatikos sa maling pamamalakad ng mga Kastila sa sarili nating bansa. Pati na rin ang pang-aabuso ng mga Prayle.

Nakakapagsalita rin si Rizal ng dalawampu’t dalawang lenggwahe.

Nang bumalik sa Manila si Rizal noong 1892 ay itinatag niya ang kilusang La Liga Filipina.

Pagtataguyod ng pag-unlad ng komersiyo, industriya at agrikultura at ang pagkakaisa ng mga Pilipino ang pangunahing layunin ng samahang ito.

Nung panahong yun idineklara na siyang kalaban ng mga Kastila dahil sa kanyang mga sinulat na nobela.

Isinangkot siya sa rebelyon at noong Hulyo 1892 at ipinatapon siya sa Dapitan.

Sa lugar na yun ay nagtayo siya ng paaralan, ospital at water supply syste. Nagturo siya ng pagsasaka at horticulture.

Taong 1896 nang papunta sana ng Cuba si Rizal upang magbigay ng kanyang serbisyo ngunit inaresto na siya at ikinulong sa Barcelona. Sa parehong araw ay pinabalik siya ng Manila at ikinulong si Rizal sa Fort Santiago.

Disyembre 26, 1896… nahatulan ng kamatayan si Jose Rizal. Pinagbintangan siyang nagpasimula ng rebelyon ng ilang miyembro ng samahang Katipunan.

Ang ‘Mi Ultimo Adios’ (Ang Huling Paalam) na pinaniniwalaang isinulat niya bago siya mamatay ay ginawa niyang sandata para mamulat ang susunod na henerasyon na mahalin ang sariling bansa.

Inilagay niya ito sa isang gasera sa loob ng kanyang kulungan at ito’y natagpuan ng isang kababayan at ikinalat sa buong kapuluan kaya’t lalong nag-igting ang pakikipaglaban ng iba pa nating mga bayani.

Ika-30 ng Disyembre 1896...mula sa kanyang kulungan ay kinuha si Jose Rizal at dinala sa Bagumbayan na ngayon ay kilala na bilang Luneta.

Tumanggi siyang piringan ang kanyang mga mata at pinatalikod na lamang.

“Listo! Apuntar! Fuego!” sigaw ng namumuno ng ‘firing squad’. Humarap siya at nang puputok na buong tapang na hinarap ni Rizal ang mga babaril sa kanya.

Sa pagkamatay niyang ito, tila naging dagok ito sa ilang Pilipino at naging alisto ang iba pa nating bayani upang lumaban sa kanilang karapatan at putulin ang paghahari ng Kastila sa ating bansa.

Maraming kabataan ngayon ang hindi na lubusang nalalaman kung ano nga ba ang naiambag ng ating mga bayani para sa kalayaan ng Pilipinas. Kalimitan alam lang nilang ginugunita natin ito dahil walang pasok.

Isang patunay na dito nung nagkaroon ng palabas na ‘Heneral Luna’. May grupo na nagtanong kung bakit nakaupo lang sa buong palabas si Apolinario Mabini.

Nalumpo si Apolinario Mabini kaya naman binubuhat lang siya dahil hindi na siya makakapaglakad.

Pinuno siya ng rebolusyonaryo, abogado at kauna-unahang naging Prime Minister ng Pilipinas. Siya ang tinagurian utak ng himagsikan.

Nakakalungkot isipin na marami sa kabataan ngayon ay nakakalimutan ang kasaysayan ng Pilipinas at ang dahilan kung bakit sila malayang kumilos at maglahad ng kani-kanilang opinyon.

Hindi ibig sabihin na nakasulat lamang ang mga kaganapang ito sa libro ay pananatilihin na lamang natin ito doon.

Kailangan nating pahalagahan ang mga bagay na ito para mas maunawaan natin at ipagpasalamat ang estado ng ating buhay ngayong mga panahong ito.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ITO

JOSE RIZAL

LEFT

MGA

QUOT

RIZAL

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with