^

PSN Opinyon

Baguhin na ang masamang ugali

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ITO ang isang masamang ugali na hindi talaga matanggal mula sa maraming Pilipino. Maraming nagpalipas ng Pasko sa Luneta, ang pangunahing liwasang-bayan sa Metro Manila. Maganda nga naman ang lugar, makasaysayan, maayos, maganda ang tanawin. Magandang lugar para sa mga pamilya, partikular sa mga may maliliit pang anak. Ganito rin sa Quezon Memorial Circle. Maganda ang lugar, maraming libangan at nakakalaro ang mga bata. Pero kapag natapos na ang araw at nagsialisan na ang mga tao, naiiwan naman ang masamang ugaling tinutukoy ko.

Tambak na basura ang nakakalat sa buong Luneta at Rizal Park. Ilangdaang sako ang nakalap ng mga naglinis kinaumagahan. Ganito rin ang sitwasyon sa Quezon Memorial Circle. Hindi man lang inilagay sa mga plastic o papel na supot para madali na lang damputin ng mga maglilinis. Para sa kanila, wala na silang pakialam sa basurang iniwan nila at problema na ng ibang tao. Gaano ba kahirap ang maglagay ng basura sa plastic? Daig pa ang mga milyonaryo ang ilang tao diyan, na tila pinauubaya na lang sa kanilang utusan ang kalat nila. Hindi natin matularan ang mga Hapon na kusang naglilinis ng mga kalat nila. Kaya may panawagan, pakiusap na rin para sa mga babalik ng Rizal Park at Quezon Memorial Circle itong bagong taon. Isaayos naman ang mga basura, para madaling linisin kinabukasan. Hindi mahirap gawin iyan.

Panahon daw ng pagbabago ang Bagong Taon. Pero lahat ng mga “New Year’s Resolution” na iyan ay nauuwi lang sa wala. Mga pangako na magpapapayat, titigil ng paninigarilyo, magbabawas ng pag-inom ng alak, magsisimulang mag-ehersisyo, lahat walang natutupad pagkalipas ng wala pang isang linggo sa bagong taon. Bakit hindi magsimula sa bagay na madaling gawin, tulad ng maayos na pagtatapon ng basura, kahit gaano kaliit? Araw-araw may nakikita akong nagtatapon ng mga maliliit na bagay tulad ng balat ng kendi, resibo, tiket ng paradahan, pati plastic na pinaglagyan ng softdrink. Baka naman pwedeng baguhin na ang ugaling ito. Itapon sa tamang lalagyan, at huwag lang kung saan-saan. Nakakadismaya at na-kagagalit ang mga tao na walang pakialam sa kalinisan. Tapos sila ang unang magrereklamo kapag marumi ang bahay, kapag hindi nakolekta ang basura, kapag nagbaha at lumulutang na ang basura. Baguhin na ang masamang ugali na iyan. Bagay na mapapakinabangan ng lahat, ng buong bansa.

ANG

BAGONG TAON

GANITO

LUNETA

MAGANDA

METRO MANILA

MGA

NEW YEAR

PERO

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

RIZAL PARK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with