^

PSN Opinyon

‘Tuesdays with Morrie’

Danton Remoto - Pilipino Star Ngayon

KASASALIN ko pa lamang ng best-selling novel ni Mitch Albom naTuesdays with Morrie. Ililimbag ito ng National Bookstore sa Pebrero, tamang-tama sa pagdalaw muli ni Albom. Nag-donate kasi ang awtor ng mga libro sa mga aklatang nasalanta ng Supertyphoon Yolanda noong Nobyembre 2013. Dumalaw din si Albom sa Leyte, kung saan naiyak siya nang may mga Pilipinong nagpa-autograph sa kanya ng mga nobela niyang nailigtas nila sa baha.

Narito ang isang sipi mula sa aking salin. Ang titulo ng chapter ay “Ang Kurikulum”.

* * *

Ang huling klase sa buhay ng aking matandang propesor ay nangyari minsan isang linggo sa kanyang bahay, sa may bintana ng kanyang aklatan kung saan nakikita niyang nalalaglag ang mga pulang dahon ng isang maliit na gumamela. Nagkita ang klase tuwing Martes. Nagsimula ito pagkatapos ng almusal. Ang subject ay Ang Ibig Sabihin ng Buhay. Itinuro ito mula sa karanasan.

Walang ibinigay na mga grado, pero may oral exam linggu-linggo. Inaasahan kang makasasagot sa mga tanong, at inaasahan ka ring may dalang mga tanong. Kailangan mo ring gumawa ng mga pisikal na bagay paminsan-minsan, tulad ng pagtaas ng ulo ng propesor sa isang mas kumpor-tableng bahagi ng kanyang unan, o paglalagay ng kanyang salamin sa gitna ng kanyang ilong. May ekstra kang puntos kapag hinalikan mo siya bago ka magpaalam.

Walang ipinabasang mga libro, pero marami kaming pinag-aralan, tulad ng pag-ibig, trabaho, komunidad, pamil­ya, pagtanda, pagpapatawad, at sa bandang dulo, kamatayan. Ang huling lektyur ay maigsi, ilang mga salita lamang.

Sa halip na pagtatapos ng mga estudyante ay nagkaroon ng libing.

Kahit walang ibinigay na huling pagsusulit, inasahan kang susulat ng isang mahabang papel tungkol sa iyong natutunan. Ang papel na iyan ay ito.

Ang huling klase sa buhay ng aking matandang propesor ay may iisang estudyante lamang.

Ako ang estudyante.

* * *

Laman ng nobela ang mahahalagang bagay tungkol sa buhay, na dapat ay ating tangan sa pagsalubong sa 2016.

Happy New Year!

ACIRC

ALBOM

ANG

ANG IBIG SABIHIN

ANG KURIKULUM

HAPPY NEW YEAR

MGA

MITCH ALBOM

NATIONAL BOOKSTORE

SUPERTYPHOON YOLANDA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with